Chapter 15 JAREM LOUGENE TORRES POV: Bumungad pagpasok ko palang sa bahay ay si Megan na pinagalitan si Elizabeth, ang nag-aalaga kay Marissa since last year. "Anong nangyayari dito?" tanong ko sakanila at niluwagan ang necktie ko, tumingin sakin si Megan pero nanatili naman nakayuko si Elizabeth. "Ask her! Dahil sakanya muntikan na mapahamak si Marissa. Hindi niya binatayan ang anak natin kaya nawala ito sa mall" singhal sakanya ni Megan "Pero kaagad ko naman po siyang nahanap..." depensa ni Elizabeth sa sarili, tinaasan siya ng kilay ni Megan. Damn, bakit ba ang tigas tigas ng ulo ni Megan? f**k. "Tigilan mo na si Elizabeth, Megan. Ang mahalaga ay walang nangyari kay Marissa" malamig na sabi ko, tinignan ko si Elizabeth. "You can go now, Elizabeth" "No you are not!" sigaw ni Megan

