GUMITNA si Aila sa pagitan namin ng lalaking nakatapon ng icecream sa damit ko. Dahil sa nangyari ay nakuha naming ang atensyon ng mga tao sa loob ng convenient store. Hinarap akong muli ni Aila na puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha. “Besty, sigurado ka ba talaga? Natapunan ka lang daw ng icecream.” “Oo naman, Besty! Hindi ka ba naniniwala sa ‘kin?” matigas kong sabi. “Kasi— ang gwapo naman… hindi naman siguro niya sinasadya. Makipag-usap ka na lang nang maayos,” mahina niyang bulong. Napakunot-noo ako sa sinabi ni Aila at nadako ang tingin ko sa lalaking ‘yon. Nakayuko ito at nang iangat ang mukha nito ay sinuklay ang buhok nito paitaas habang magkasalubong ang magkabilang kilay. Napalunok ako ng aking laway dahil pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan. He’s so hot and hand

