Natapos ang Christmas vacation namin at ngayon, balik ulit kami sa school. And of course, balik na rin ulit ako sa trabaho ko kay Riu, which is no'ng nakaraan pa talaga dapat na after ng Christmas, December 26, pero sinabi niyang kahit 'wag daw muna akong bumalik dahil may "bisita" siya. Kahit na hindi niya sabihin, alam kong bisita niya 'yong babae na nakita kong kasama niya sa supermarket at sa litrato. Maybe... that was his girlfriend? No, no. Malabo 'yon. Nilalandi ako ni Riu pero may girlfriend siya? Wait. Nilalandi? Nilalandi nga ba ako ni Riu o nag-a-assume lang ako? "What's up, Daphne!" Malakas akong napa-aray nang may tumamang bola sa likod ng ulo ko. Hinimas ko 'yon at hinarap si Pauleen na kararating lang sa court. "What's your problem with me?" Inis na tanong ko at

