"Ma'am Daphne!" I stopped walking when I heard someone calling my name. Lumingon ako at namataan ang isang babaeng naka-uniporme na pang-guro. "Hello?" Hindi ko siguradong bati rito nang makalapit siya sa'kin. Nakayuko ito at nasa tuhod ang dalawang kamay niya. Hinihingal siya dahil sa pagtakbong ginawa para makahabol sa'kin. "Here." Inabot ko sa kanya ang bote ng mineral water na binili ko kanina sa may cafeteria. "Nainuman ko na 'yan pero malinis naman akong tao kaya hindi mo kailangang mag-alala." It wasn't really my nature to share my drink but she seemed really tired of running. "T-Thank you, ma'am!" Walang alinlangan niyang kinuha sa'kin ang bote at ininuman. Umawang ang labi ko hanggang sa nangiti na lang. Seems like she was a joyful one. She didn't even hesitate to ac

