I felt a little better since Quentil had known what really happened to me. Tila nawalan ako ng tinik sa lalamunan at talaga namang napakagaan sa pakiramdam no'ng mawala 'yon. Though, I still didn't know what he really felt back then. Chineer-up niya ako at pinagaan ang pakiramdam ko pero hindi ako nagkaro'n ng chance na matanong kung ano ba talaga ang opinion niya sa nagawa ko. I still wonder if he was mad... or he was disgusted on what I had done... I couldn't blame him if ever he felt that. But of course, I knew that Quentil wasn't like that. Matagal ko na siyang kilala. Mula pa man no'n ay mabait na siya sa'kin. Siguro, dahil gusto niya ako rati pero nitong mga nakaraang taon, kahit na nagbago 'yong tinitibok ng puso niya, he was still there for me. As a friend. A reliable one...

