This had been really hard. Bagsak ako lagi pag-uwi sa unit ni Riu. Mabuti na nga lang at nagiging considerate siya ngayon sa kalagayan ko. But for sure, may kapalit siyang hihingin after ng lahat ng 'to. O kaya ay mas magiging mahigpit siya sa'kin. "Daphne." Napabangon ako sa pagkakahiga nang marinig ang katok niya sa pinto ng kwarto ko. Tumayo ako at binuksan 'yon. "Bakit? May iuutos ka?" Lanta ang katawan ko at bagsak ang dalawang balikat. I didn't even have the little strength to crease my forehead or raise an eyebrow to him. "Wala. I just knocked to give you this." Sinundan ko ang pagbaba ng tingin niya... sa isang cup ng chocolate drink. "You are tired, right? You must rest. 'Wag ka munang humawak ng kung anong libro. After mong inumin 'to, matulog ka muna. Gigisingin na lang ki

