"You really wake up this early..." Manghang sabi ko habang titig na titig sa kanya. He was brushing his teeth and his eyes were on the mirror– in my reflection. Bahagyang umikot ang eyeballs ng mata nito bago bumalik ang tingin sa sariling repleksyon niya. Tinanggal niya ang toothbrush sa bunganga at masungit na nagsalita. "What's with your face? Of course, I can wake up this early if it's necessary." Oh... did I say a bad thing? Ngayon lang pumasok sa isip ko na hindi dapat nagjo-joke sa mga bagong gising. Kasama ba siya sa mga gano'n? Lumapit ako sa kanya at inabot ang toothbrush ko. Naglagay ako ng toothpaste at kinuha ang baso para lagyan ng tubig na pangmumog. "I was just trying to cheer you up, don't be so serious." Mahinang aniko at nagsimulang mag-toothbrush. "Why were yo

