Pangalawang araw na ngayon na wala siya. Mula no'ng tumawag siya sa'kin, hindi pa siya ulit nagpaparamdam. Nakalimutan niya na talagang may usapan kami na bibili siya ng groceries para sa kakainin namin... or at least, para sa'kin. He was really busy that he forgot about it, huh? Well, ano pa nga ba... dapat masanay na ako na nagbago na siya. He finally stopped playing with me. I should be happy. Sa ngayon, ang hinihintay ko na lang ay ang manganak. Nakapag-decide na ako. After nito, iiwan ko sa kanya ang bata at lalayo na ako. Tutal hindi naman ako na-attach dito sa dinadala ko. Kahit na six months na siya rito sa tiyan ko, wala pa rin akong nararamdaman na kahit ano para sa kanya. Hindi nga ako nagbo-bother na mag-isip ng pangalan. After all... I didn't really want this. "Are you

