2

1126 Words
NATATAWA pa rin ako nang magpaalam si Alex kay Gabrielle. Tila nahiya si Alex sa aking inasal sa harap ng heneral ngunit tila naaaliw at nakakaintindi naman ang matamis na ngiting nakapaskil sa mga labi ni Gabrielle. Hindi na-offend ang heneral sa kanyang inasal. Bilang babae, ganap marahil siya nitong naiintindihan. O hindi na bago ang ganoong reaksiyon. Dinala ako ni Alex sa isang luntiang lugar. Halos lahat ng nakikita ng aking mga mata ay kulay luntian. Maraming mga puno at halaman. Iilan lamang ang mga namumulaklak. Mistulang makapal at malambot na alpombra ang bermuda grass.  “She’s not serious, is she?” ang sabi ko nang ganap na akong makahuma. Ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot na damuhan. “Guardian angel? Ako magiging guardian angel?” Ako’y muling inihit ng tawa. “I’m sorry,” sabi ko sa pagitan ng pagtawa. “I just can’t imagine what you’re saying. I’m having a hard time believing in what you’re saying.” Natigil ako sa pagtawa at napatitig na lamang sa bughaw na kalangitan. Wala akong makitang ulap. Animo payapa ang lahat. Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Alex. “Alam ko kung ano ang nadarama mo. Hindi ko rin mapaniwalaan noong unang beses sabihin sa akin ni Gabby na magiging isa akong anghel.” “I’m not even sure if I wanna be one. I mean, yeah, it seems cool and badass but come on! A guardian angel? I don’t wanna be a guardian angel. I wanna be... I wanna be alive.” Tumingin ako kay Alex at natagpuan ko siyang nakatingin din sa akin. May pag-intindi sa mga mata niya. Ang aking hula, ganap nga niya akong naiintindihan dahil pinagdaanan niya ang aking pinagdadaanan, kanyang naramdaman ang aking nadarama. I found comfort with that thought. Walang anumang sinabi si Alex, ngunit sinasabi ng kanyang ngiti na maaari kong sabihin ang anumang aking naisin at iintindihin niya ang lahat. I felt a familiar comfort. “Guardian angels are supposed to be good, right?” sabi ko. “Naging mabuti ba ako noong nabubuhay ako? Hindi ako sobrang mabait. I’m spoiled rotten. I can be a real brat, too. I lived a privileged life. Nananabunot ako ng kaibigan. Nagbibigay ako ng super spicy meatloaf sa isang lalaki dahil hindi niya ako crush. I told my best friend to f**k off `cause I didn’t like her opinion. Minsan ay nakakalimutan kong magdasal at magpasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob sa amin. Tinakasan ko ang kuya ko kasi gusto kong makapasok sa loob ng bar, makatikim ng alak. Tumatakas ako sa bahay para makipagtagpo sa boyfriend ko. My point is, I’m not a saint. I can’t be a guardian angel.” Banayad na natawa si Alex. Mas bumata ang hitsura nito sa kanyang paningin. “Isa akong magnanakaw at conman.” Nangunot ang noo ko, hindi ganap na naintindihan ang kanyang sinabi. “M-magnanakaw?” “Iyon ang gawain ko noong nabubuhay pa ako. Maaari ring sabihin na isa akong gigolo. Binobola ko ang ilang matrona at ninanakawan ko sila. Hindi ako pumapatay pero malaking kasalanan pa rin ang pagnanakaw. This pretty face fooled so many women. Inaral ko ang tamang pagsasalita at pagkilos para mapalapit sa mga may kayang babae. May dahilan kung bakit ko iyon ginawa, pero hindi nawawala ang katotohanan na isa akong makasalanan. Paniwalaan mo `ko, mas nagtaka ako nang sabihin sa akin na magiging gabay ako pagkatapos kong mamatay. Sa palagay ko ay hindi pa rin ganap na naipapaliwanag sa akin hanggang ngayon kung bakit.” Hindi ko malaman kung maniniwala ako sa kanyang sinabi o iisiping nag-imbento lamang siya ng kuwento upang mapalubag ang akin loob. I mean, he was right. Nasa Sampung Utos ang kasalanan niya. Paano naging anghel ang isang katulad niya? Naisip ko rin, sino ba ako upang manghusga? “P-paano ka namatay?” tanong ko na lamang. “Gunshot. Binaril ako ng asawa ng isang babaeng nagoyo ko. Nasapol ng bala ang puso ko. Kaagad akong namatay. Hindi na ako naitakbo sa ospital.” “Wow. Ganoon ba talaga? Palaging madugo ang pagkamatay?” Halos wala sa loob na nakapa ko ang aking dibdib. “Hindi naman palagi. Minsan dahil sa sakit. Pero madalas, hindi natin inaasahan. Hindi natin akalain na iyon na ang huling araw natin sa mundo. Mahirap pakitunguhan ang bagay na iyon, alam ko. Pero kakayanin mo. Kakayanin mo ang kahit na ano, kahit na ang pagiging gabay at anghel. Dahil binantayan at ginabayan kita, Mattie. Mula nang mabuo ka sa sinapupunan ng iyong ina, binantayan na kita.” “I keep on asking myself. Is this really happening? Kailan ako magigising sa panaginip na ito na hindi ko alam kung tatawagin kong bangungot o ano. Gusto kong kabahan sa mga sinasabi mo.” “Hindi mo pa siguro maintindihan sa ngayon kung bakit nangyayari sa `yo ang mga nangyayari. Alam kong napakarami mong katungan. Una na marahil sa mga iyon ay bakit ikaw? You’ve been special since you were created, Mattie. You were destined to this life. At nangyayari nga talaga ang bagay na ito. Don’t worry, ganap mo ring matatanggap paglaon. It’s a long adjustment.” “W-wala na ba talagang pag-asa? Am I really dead? I had this weird feeling since forever. Madalas kitang mapanaginipan na sinusundo na ako. I tried to prepare myself and my loved ones because I already knew. But... But I’m not so ready. Ang dami-dami ko pang gustong gawin, gustong sabihin, gustong makita...” Nginitian niya ako nang banayad. “I know. Ako rin noon ay hindi naging handang iwanan ang buhay ko. Mahirap ang naging buhay ko pero mas gugustuhin ko pa ring mabuhay para sa pamilya ko. Pero pinili tayo para sa misyong ito. Kailangan nating gampanan ang mga kailangan nating gampanan. Sa ngayon, iniisip mong hindi mo ito ginusto. Hindi ganito ang gusto mong buhay. Hindi pagbabantay at paggabay ang nais mong gawin. Ngunit may dahilan kung bakit ito ang ating kapalaran. Hindi mo pa man mabatid ngayon ang dahilan na iyon, darating ang takdang panahon na ipapaalam sa iyo. In time, you’ll learn how to deal with this new life. Hindi ko sinasabing makakalimutan mo ang mga mahal mo. Patuloy mo silang mamahalin. Hindi iyon magbabago. You’ll just learn how to love them without you being in their lives. The road ahead will be difficult. Pero narito lang ako para gabayan ka.” “Will I ever see them again?” “Yes. You’re allowed to see them as long as it doesn’t interfere with your guarding.” Ang totoo, hindi pa rin ako ganap na naniniwala sa kanyang mga sinasabi. Hinihintay ko pa rin na magising ako mula sa panaginip. “Can I see them now?” Muli akong nasilaw sa liwanag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD