“YOU SHOULD go. Kailangan mong magpahinga at maaga pa ang flight mo bukas.” Nasa isang sulok ako ng private room ni Jem sa ospital. Normal na ang vital signs niya. Nainom na niya ang kanyang mga gamot. Daddy insisted they confine him for a day. Kagaya noong nakaraang taon, nais magsagawa ni Daddy ng ilang tests upang masiguro na maayos ang puso ni Jem. Alam kong kailangan ako ni Tilly ngunit hindi ko pa maiwanan si Jem. Ilang beses ko na siyang nakita na nakaratay sa hospital bed. Taon-taon kong nasasaksihan kung paano siya panakitan ng dibdib. Ngunit hindi pa rin ako nasasanay, hindi na kailanman marahil masasanay. Hindi gumalaw sa kinauupuan si Sunday Blue kahit na narinig niya ang sinabi ni Jem. Iniuwi na ni Andres si Mommy dahil walang kasama sina Bea at Tilly sa bahay. Inaayos naman

