“Amelia! Ano’t hindi ka nalabas sa iyong silid? H’wag mong hintayin na sirain ko ito!” galit nang sigaw ni Stavros sa labas ng silid ni Amelia. Madali lang sa kaniya na sirain ang pinto ngunit kanina pa siya pinipigilan ng kaniyang kapareha. “Stavros. Hayaan mo muna ang pamangkin mo.” “Alam mong hindi ko pwedeng gawin iyon. Papunta na rito ang Senior!” Muling kinatok ni Stavros ang pinto. “Lumabas ka na riyan! Hihintayin ka namin sa ibaba!” Sa loob ng silid, nakahiga si Amelia sa kama. Kahapon pa siya walang tigil sa pag-iyak. Parang dinudurog ang kaniyang puso habang inaalala si Vhal. Ayaw niyang magpakasal kay Martini. Pero sigurado siya na hindi papayag ang kaniyang tiyuhin na hindi niya pakasalan ang binata. Ang hindi niya lang alam ay kung paanong mangyayari iyon. Tinanggap na n

