Chapter 6

1335 Words
“Amelia Cortez, I claim you as my mate.” Nahigit ni Amelia ang kanyang hininga. Na uunawaan niya ang lengwaheng sinabi nito dahil sa dami na rin ng libro na kanyang nabasa. Isa pa ay isa lamang ang wikang ingles sa itinuro sa kanya ng kanyang nana. Umiling-iling si Amelia. “Hindi. Hindi ko tinatanggap–” “Wala kang magagawa kundi ang tanggapin ang itinadhana sa ‘yo, Amelia.” Napalunok na si Amelia. Bakit? Ano itong nararamdaman ko? Mali ito! Paanong naging mali ito? tugon ni Vhal gamit ang kanyang isipan. Nanlaki ang mga mata ni Amelia noong marinig niya tinig ni Vhal sa kanyang isipan. Pinandilatan niya ito at tumalikod na. “Sandali.” Awtomatikong tumigil sa paglalakad si Amelia. Napapikit siya ng mariin. Ganito ba kapag nakita mo na ang kapareha mo? Nagpatuloy siya sa paglalakad at pilit na hindi ito pinansin. “Amelia.” “Ano ba?!” “Bakit ba parang nandidiri ka sa akin? Wala kang magagawa. You are my mate. Hindi mo iyon mapipigilan.” “D-Dahil isa kang lobo. Kaya hindi kita pwedeng maging kapareha.” “Ngunit isa ka ring lobo.” “Bampira ako.” Ngumisi lang si Vhal. “Alam ko rin. Pero tanggap ka ba ng mga kalahi mo?” Natigilan si Amelia sa sinabi ni Vhal. Ni minsan ay hindi niya iyon na isip. Hindi niya iyon na tanong sa sarili. “Kung gayon ay bakit ka andito? Bakit ka nakakulong sa malaking bahay na iyon?” Hindi na nakapagsalita pa si Amelia. Pakiramdam niya bigla ay sinampal siya ng katotohanan. Nag-iwas siya ng tingin dito. Kinagat niya ang kanyang labi at nag-isip ng itutugon sa tanong nito. Sa dalawampung taon na pamumuhay niya ay ngayon lamang siya natanong ng ganoon. Ngayon lamang din siya napatanong sa kanyang sarili. Bakit nga ba siya nakakulong sa mansyon nila? “W-Wala ka ng pakealam doon,” aniya at pilit na pinatatag ang boses. “Bakit ba parang ang dami mong alam sa akin? Espiya ka nga ‘no?” Kumawala ang malalim na tawa sa bibig ni Vhal. Umiling siya. “Normal lang para sa isang kapareha na alamin ang tungkol sa kanyang mate. Lalo na at ako ang lalake.” Ngumiwi si Amelia. “Bahala ka. Aalis na ako.” “Mamaya ka na umalis. Wala pa naman ang iyong nana.” Na iikot na ni Amelia ang kanyang mga mata. “Gaano na ba karami ang nalaman mo tungkol sa akin? Kailan lang naman kita nakilala ah.” Napakislot siya noong biglang hinawakan ni Vhal ang kanyang kanang kamay. Sinamaan niya ito ng tingin pero sinalubong lamang nito iyon ng matatamis na ngiti. “Halika. Doon tayo sa talon. Alam kong bawal kang lumayo sa inyo.” Hindi na nakapagprotesta pa si Amelia dahil marahan na siyang hinila nito pabalik. Kung tutuusin ay magaan naman ang pakiramdam niya kay Vhal. Sadyang ayaw lamang siyang tanggapin na ito ang kanyang kapareha dahil sa isa itong lobo. Muli niyang na alala ang sinabi nito. Sa katanuyan ay hindi niya rin talaga alam kung bakit siya hindi nakakalabas sa kanilang bakuran. Kung bakit siya pinagbabawalan makipaghalubilo sa kung sino man, o anumang uri. Sinusunod lamang niya iyon dahil sa takot niya sa kanyang tiyo. Ayaw na niyang mapalo ulit ng latigo at madikitan ng pilak. Sampung beses ang sakit na naramdaman niya noon mula sa mga bagay na iyon kaysa sa mga palo ng arnis ng kanyang nana. Kaya ni minsan ay hindi na niya sinuway pa ang kanyang tiyo. Kung ano man iyon ay aalamin niya na lamang mamaya kapag dating ng kanyang nana Maxine. Sigurado naman siya na sasagutin siya nito. Ilang sandali pa ay narating na nila talon. Napakunot ang noo niya noong makita niya ang maliit na kubo sa tabi ng lawa. Para namang na unawaan ni Vhal ang kanyang pagtataka. “Surpresa ko sana ito sa ‘yo kaninang umaga. Balak ko na kasi talagang magpakilala sa ‘yo. Kaso hindi ka pumunta kaninang umaga.” “Isa pa. Isusumbong na kita mamaya sa aking tiyo.” Tumawa lang si Vhal. Iginiya niya papasok sa loob ng maliit na kubo si Amelia at pinaupo sa upuang nakadikit sa dingding. Gawa iyon sa kawayan na pinagawa niya pa sa kanyang mga tauhan. Hindi niya talaga pinatulog ang mga ito habang hindi pa natatapos. Napatango-tango si Amelia habang inililibot ang tingin sa kubo. Maliit lamang ito na gawa sa kawayan ang dingding at sahig. Habang ang bubong ay gawa naman sa nipa. Tanaw na tanaw niya ang talon mula sa bintana. Wala sa sariling napangiti siya at ipinikit ang kanyang mga mata. Sinamyo niya ang hangin na humahampas sa kanyang mukha. “Nagustuhan mo ba?” Tumango si Amelia. “Ang ganda.” “Para sa ‘yo ito.” Iminulat ni Amelia ang kanyang mga mata. “Hindi ibig sabihin no’n na tanggap na kita.” Natawa si Vhal. “Alam ko namang tanggap mo ako. Ayaw mo lang aminin.” Iniikot ni Amelia ang kanyang mga mata. “Bakit ka ba andito? Paano ka nakapasok sa lupain namin?” “Wala namang harang ang inyong lupain kaya madali akong nakakapasok.” “Pilosopo ka rin, ano?” Tumawa si Vhal. “Pasensya na. Para kasing ang lungkot mo. Ayaw ko namang maging malungkot ang kapareha ko.” Iniikot ni Amelia ang kanyang mga mata. “Pwede bang itigil mo ang kasasabi niyan?” “Bakit naman? Sa pack namin, kapag nakita mo na ang kapareha mo ay wala kang magagawa kundi ang sumama sa kanya at sundin ang itinakda.” “Hindi niyo nga kasi ako kalahi.” Bumuntonghininga si Vhal. Hindi lingid sa kanya ang uri ni Amelia. Isa itong kalahating lobo at kalahating bampira. Hindi kagaya niya na isa siyang Domon, isa sa mga uri ng lobo na naninirahan sa mga lugar na may mainit na klima. Hindi rin siya taga rito sa red line. Mayroon lamang silang expedition na ginagawa kaya siya naririto. Naglalakad lakad siya sa bulubundukin ng Woodlands dito sa Australia noong makita matagpuan niya sa kagubatan si Amelia. Mula noong ay palagi na siyang na punta rito upang makita lamang ang dalaga. “Nasubukan mo na bang umalis dito?” “Dito?” Tumango si Vhal. “Oo. Mamasyal sa ibang lugar bukod dito sa talon. Napansin ko kasi na dito ka lang na punta. Araw-araw.” Napaisip si Amelia. Bukod sa bayan na isang beses lang niya na puntahan ay wala na siyang ibang na puntahan pa. “Marami na. Marami akong libro sa mansyon kaya hindi ko na kailangan pang umalis ng mansyon para lang mapuntahan ang mga lugar na iyon,” ani Amelia na pilit na pinapasigla ang boses. “Iba pa rin kung talagang nakikita ng mga mata mo, Amelia. Nararamdaman ang klima nila. Natitikman ang mga pagkain. Nakakahalubilo sa mga tao. Iba pa rin kung talagang na i-experience mo.” Biglang lumungkot ang mukha ni Amelia. Bigla siyang nakaramdam ng panliliit sa kanyang sarili. Kahit kasi tumanggi siya rito ay totoo naman ang sinasabi nito. Iba pa rin kung nararanasan mo ang mga iyon. Ngunit ano ang kanyang gagawin? Hindi naman niya pwedeng suwayin ang kanyang tiyo. “Alam mo, kailangan ko na umalis. Baka dumating na si Nana.” Tumayo na si Amelia. Lalabas na sana siya ngunit hinawakan ni Vhal ang kanyang braso. Pinihit siya nito paharap rito. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Amelia noong makita niyang magkalapit na pala ang kanilang mukha. Napaka gwapo ng mukha ni Vhal. Napaka tangos ng ilong nito at mapupula rin ang labi. Bagay na bagay sa hitsura nitong seryoso at matatalas nitong mga tingin ang kwadrado nitong mukha. Nakakadagdag ng dating nito ang may kahabaan at kulot nitong buhok. Kahawig nito ang mga modelong italyano na may kulot na mga buhok. Napalunok si Amelia noong gumapang ang isang kamay nito sa kanyang braso paangat sa kanyang balikat. Para siyang kinuryente dahil doon. “A-Ano’ng ginagawa mo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD