Matibay ang isang van na iyon at talagang nakahabol siya sa akin. Binagalan ko ang takbo ng aking sasakyan nang may mahabang traffic sa harap. Lumingon ako sa gilid nang nasa tabi ko na ang itim na van na kanina lang ay nakasunod lang sa akin. Nag-vibrate ang aking phone at nakita ko ang text ni Amir kung saan may mga naghihintay na agent sa akin. Tinignan ko ang traffic light at nakitang may thirty seconds pa para mag-green light. Agad kong binuksan ang compartment ng aking sasakyan. Kinuha ko ang isang pulang wig na hanggang sa bewang ang haba. Hinubad ko ang wig na kasalukuyan kong suot ngayon saka ipinalit iyon. Pagkatapos ay naghubad ako ng damit at kinuha ang extra kong dress doon. Isa iyong formal dress. Sinuot ko iyon at nakitang fifteen seconds na lang at green lig

