Nahihiya akong tumingin kay Cedrick habang kumakain kami sa maliit kong lamesa sa kusina. He ordered for some foods. Mabuti nga at may plastic spoon and fork na iyong kasama dahil lahat ng gamit ko dito para sa isang tao lang talaga. Hindi ko naiwasang ilibot ang tingin ko sa paligid. Halos mapapikit ako at mapatakip sa aking mukha nang makita kung gaano kakalat ang kusina. Ang daming basura at may nakikita pa akong ipis at mga bubwit na gumagapang malapit sa lutuan ko. Mabuti na lang talaga at hindi nakatingin si Cedrick. I was busy the whole week because of work that’s why I never had the time to clean the apartment. Minsan ay nililinis ko iyon sa day-off ko pero madalas ay nagpapahinga na lang talaga ako sa araw na iyon. It was okay with me. Wala naman kaso sa akin kung magulo ang t

