“Sigurado ka bang itatago mo na ang mga ito?” Nag-aalalang tanong ko. Ilang araw matapos naming mapagkasunduan na susubukan naming buksan ang sarili namin sa isa’t-isa ay sinabihan niya ako na ililigpit at itatago na raw ang mga gamit ni Lyka sa kwarto. That’s another huge step for him and I highly appreciate it. Ngunit nag-aalala ako dahil siyempre, matagal niyang tinago ang mga iyon. He took care of it for the past years as a sign of grieving and respect for his late wife. Hindi naman porket sinabi kong nasasaktan ako sa mga nalaman ko ay itatago na niya ang lahat ng tungkol kay Lyka. “Yes. It’s about time to let go, isn’t it? Mas makakabuti sa akin, sa atin, kung wala na akong makikitang makakapagpaalala ng nakaraan. I am slowly letting go of her so that I can fully let y

