Panibagong araw, panibagong orders na naman ang i-dedeliver ko. Marami na nga sa mga customers ang sobrang pamilyar sa akin dahil halos araw-araw akong may dinadala sa kanila. Nasa iisang lugar lang kasi ang deliveries ko. Ganoon naman kasi ang kalakaran sa mga online shop deliveries. Nakatoka kami sa iisang specific na place. Lahat ng parcel sa lugar namin ay dapat naming ma-ideliver sa araw na ibinigay sa amin ang mga iyon. Kung hindi namin iyon magagawa ay bawas na agad iyon sa sahod namin. Dahil nga nasa iisang lugar lang naman ako ay pamilyar na sa akin ang buong lugar dito sa Linao at maging ang mga taong um-oorder. Feeling ko naman ay pamilyar na rin sila sa akin dahil ako lagi ang nakikita nila sa tuwing nag-accept sila ng orders. Tapos ko ng maideliver ang kalahati p

