Venice's pov: N-Nakabalik na ako. N-nakabalik na ako sa mansyon ng Mafia ngunit tila may kung anong kalungkutan o pagkahindi kumportable akong nararamdaman. Ang buong Mafia… ay nalaman na ang lahat ng tungkol sa akin. Siguradong ang tingin na nila sa akin ay kalaban o taksil sa samahan. Hmn. Wala na rin ang lahat sa akin. Wala na si mommy at wala na din si daddy. Inaasahan kong tulad nila ay hahatulan din ako ng kaparusahan dahil sa pagiging kasangkapan ko sa kanilang mga plano. Mas lalao ko tuloy naiisip… kung tama bang— tama bang nandito pa ako? Tama bang nagpunta ako rito?! I'm not their Queency anymore... I'm… a traitor! ... Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman ang marahang pagdaloy ng mga luha sa magkabila kong mga pisngi. I immediately wiped them away with my hands an

