Leap of Blood

1352 Words

Callix's pov: Dalawang araw na ang nakalipas. Hindi pa rin nagigising si Sashna at sa pagkakaalam ko… gano’n din si Aizen. Hmn! Bakit? Bakit ba hindi pa sila nagigising? Papunta ako sa kwarto kung nasaan ang kapatid ko nang makasalubong ko si Dylan sa pasilyo. Hmn? Bakit nandito sya? “Callix,” nakangiting tawag sa akin ni Dylan. “Oh, ba’t nandito ka?” tanong ko nang mapahinto ako sa kanyang harapan. “Na-miss kita,” aniya. “Ah, talaga ba? Sira-ulo,” kunot-noo kong tugon at natawa naman sya ng mahina. “Napadaan lang ako dahil malapit lang ito sa base. Kamusta si Sashna?” tanong niya at nagsimula na kaming maglakad ng sabay papunta sa silid kung nasaan ang kapatid ko. “Wala, gano’n pa rin,” tugon ko at muli akong nakaramdam ng pag-aalala. Narinig ko ang malalim na paghinga ni Dylan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD