Simula ng araw na iyon, ang mga mata ni Harris ay nakatuon na palagi kay Aurora. Palihim niya itong minamasdan at tinutulungan sa mga gawain. Minsan ay gagawin pa lamang ni Aurora ay nagawa na ni Harris, ngunit hindi niya ipapaalam na siya ang may gawa noon. Kung minsan naman ay magpapanggap si Harris na napadaan lang saka niya tutulungan si Aurora na kunyari ay labag sa kaniyang kalooban. “Harris!” tawag ni Dreyfus nang makita ang kaibigang nakasilip sa may bintana. Nagulat naman si Harris at agad na sinensayasan si Dreyfus na huwag mag-ingay. Nangunot naman ang noo ni Dreyfus nang lingunin kung ano o sino ang tinitignan ng lihim ni Harris doon. Ngumisi si Dreyfus para asarin si Harris na ngayon ay tila kamatis sa pula ng kanyang mukha. “May gusto ka kay Aurora ano?” direktang tanong n

