Aizen's pov: Si Sashna, madalas talaga ay pinapasakit nya ang ulo ko! Pati sa harap nila Dylan ay hindi na niya ako ginalang! Tsk! Kung hindi ko lang talaga sya— bwisit! "Uncle Vishnu, paparusahan nyo po ba si Cayden?" tanong ni Gyan. Halos sabay naman kaming lumingon sa kanya ni Dylan. Si Callix ang nagmamaneho ng kotse at tila napasulyap din sya sa salamin na nasa kanyang nasa harapan. Si Gyan, mukhang nag-aalala siya para sa pasaway kong anak. Parehong-pareho talaga sila ni Dylan. Ganito rin ba ang itsura ni Dylan noon sa tuwing nahuhuli sya dati nila Brahma na pinagtatakpan ang pagtakas ko? Napapangisi tuloy ako sa isiping iyon. “Ano sa iyong tingin, tama ba o mali ang kanyang ginawa?” tanong ko. Bahagyang napayuko si Gyan, M-Mali po.” “Ang bawat pagkakamali ay may kaukulang paru

