Chapter 6

1736 Words
Aizen Santos __ "Oh my gosh!" Naalipungatan ako sa boses na narinig ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko and saw Russ. "Sorry, did I wake you up?" she worriedly asked. Kahit medyo inaantok ay marahan akong bumangon. Mabilis ko itong naramdamang umupo sa tabi ko. "What are you doing here? Bakit dito ka natulog sa couch?" nag-aalalang tanong niya. "Hindi ko napansin..." "Tell me, pinalabas ka ba ni Kier?" I shook my head. "No, Russ. Hindi kasi ako makatulog kaya nagpunta ako dito sa living room at hindi ko namalayan na nakatulog ako." Nagpakawala siya nang malalim na hininga at ngumiti sa akin. "Buti naman. What do you like for breakfast? I can cook." She was so kind. Pakiramdam ko ay napaka-gaan ng loob ko sa kaniya kahit kagabi lang kami nagkakilala. "Umm, maybe you're still sleepy? Okay lang, four a.m. pa lang naman. Take a rest," dagdag nito. "Hindi, okay lang, I can help you cook something for breakfast." Habang nagluluto kami ng pasta ni, nagsimula siyang magtanong. "I'm just wondering bakit ka nagpakasal kay Kier?" Hindi ako nakasagot agad dahil mabilis na kumabog ang dibdib ko. Ayokong magsinungaling because I was never good at it. "Uhm, don't get me wrong. I know what's going on between the two of you. Alam kong hindi kayo... totally magkakilala. Kahit nandito lang ako sa mansion updated pa rin ako sa buhay niya." That was a relief. Hangga't maaari, ayokong magtago sa mga taong malapit sa aming dalawa. "My fiancé cheated on me," sagot ko habang pinapanood ito sa paghahalo ng sauce ng carbonara. Bakas naman sa mukha nito ang lungkot para sa akin. Hindi ko naman gustong maawa ito o ano. Sumulyap ako sa ibang direksyon na may kung anong mabigat na bagay ang nakadagan sa dibdib ko. "Na... nabigla lang din ako. Masyado akong nagalit. Ginusto kong gumanti kay Kevin." Bumuntong hininga ito. "Basta kapag may problema ka kay Kier, just tell me. I don't know why, pero magaan ang loob ko sa'yo. We can be close friends, right?" Napangiti ako. I felt the same way too. "Of course. Thanks, Russ." "After natin kumain, may pupuntahan tayo. Ipapakilala kita kay Nanay." Katulad ng sabi niya, pagkatapos naming kumain ay lumabas kami ng mansion. Madilim pa pero may ilaw naman sa paligid at may mangilan-ngilan na ring tao na bumabati sa amin ng 'magandang umaga.' "Mga trabahador sila rito," anito habang naglalakad kami sa gitna ng coconut trees. "Mahirap bang mag-manage ng ganito kalaking Hacienda?" I asked. "Uhm, hindi ako ang nagma-manage nito. There are people behind this success na pinagkakatiwalaan ni Tito Roman. Espesyal kasi sa akin ang lugar na ito kaya I chose to stay here. Dito kami lumaki nina Kier, Ate, Aine, Jade, Brent at Gabe. Si Mang at si Nanay sila 'yung nagpalaki sa amin." Tumango ako. "Si Kier, ayaw niyang magpatawag ng Kuya kaya I'm just calling him by his name. At first it was uncomfortable dahil two years din ang age gap namin. But eventually, nasanay rin ako." Kung doon sila lumaki, sa lawak ng lugar siguradong naging masaya ang childhood nila. "Medyo nakakalungkot lang. Nag-iisang anak lang ako and namatay pa sina mom and dad sa isang car accident when I was three. Pero medyo magaan na rin sa pakiramdam dahil kinupkop naman ako nina Tito Roman at Tita Leila at tinuring na parang anak nila kaya parang kapatid ko na rin si Kier." Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi nito. Para pala itong si Chantal. Six years old naman ito noong mamatay ang parents niya sa isang plane crash. Kumatok si Russ sa isang mumunting bahay kubo. "Nay?" tawag nito. "Sandali," Narinig kong boses mula sa loob. Nang buksan ng ginang ang pinto ay agad nitong niyakap si Russ. Sa tingin ko ay nasa fifty na ang edad ng ginang. "Good morning, Nay," nakangiting bati ni Russ. "Good morning sa maganda kong anak, hmm, ang aga mo na naman yatang nagising? Mukhang totoong sumisipag na ang anak ko?" Parehas napangiti ang mga ito kaya para bang nahawa na ako sa kanilang dalawa. "How I wish, Nay. May kasama po ako." Bumaling sa akin si Russ at noon lang din tinuon ng ginang ang atensyon sa akin. "Si Zen--" Hindi natapos ni Russ ang sasabihin dahil niyakap agad ako ng ginang. Ang higpit ng yakap nito na halos hindi ako makagalaw. Napangiwi na lang si Russ at nalukot ang noo niya na tila nag-aalala. "She's Nanay Sabel," anito. "G-good morning po," nauutal na sambit ko dahil bigla niya na lang hinawakan ang magkabilang pisngi ko habang mangiyak-ngiyak na nakatingin sa akin. Hindi ko gaanong maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagtanggap nila sa akin. Para bang matagal na nila akong kilala at para bang matagal na nila akong hinintay na makita. "Nay, Zen po ang pangalan niya. Zen po," paulit-ulit na bigkas ni Russ sa pangalan ko. "Hali kayo, pumasok kayo sa loob." Iginiya kami nito loob ng bahay. Napansin ko ang pagpunas nito ng kung ano sa ilalim ng mga mata niya. "Nak, kumain na ba kayo? Anong gusto niyong kainin? Magluluto ako." "Ay, Nay, 'wag na po kayong mag-abala nagdala kami ng breakfast for you." Inangat ni Russ ang dalang paper bag. "Nagluto po kami ni Zen." Inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay. Lupa ang sahig, kahoy ang kalimitang makikita, mula sa silya, sa table at iba pa. Napako ang atensyon ko sa mga larawan na nakasabit sa dingding. Family picture. Si Nanay Sabel, isang lalaki na mukhang ka-edad ni niya at isang babae... 'Yung babaeng nakita ko sa kuwarto ni Kier. 'Yung kaakbay niya sa litrato. Nakasabit din sa wall ang picture nito na g-um-raduate sa grade school, highschool, and college. Napansin ko na ang dami ring medals na nakasabit sa isang gilid. "Her name is Aine." Hindi ko namalayan ang pagtayo ni Russ sa tabi ko. "She's Kier's... ex-girlfriend." Nanatili akong nakatingin sa litrato nito. She looked so beautiful. Aside from that, she looked so classy and literate. No wonder... nagustuhan siya ng masungit na 'yon. I suddenly felt curious. Bakit kaya naghiwalay sila? "Where is she now?" tanong ko at simpleng tumingin sa paligid dahil baka nandoon lang pala ang Aine na tinutukoy niya. She shrugged. "Hindi namin alam. It's a long story." Dahil sa naging sagot nito, lalo akong na-curious kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila ni Kier. Noong una, malungkot ang mga mata ni Nanay Sabel, pero habang tumatagal ang kuwentuhan namin ay lalo kaming nagiging malapit sa isa't-isa. Napaka-gaan ng loob ko sa kaniya at pakiramdam ko ganu'n din ito sa akin. Palitaw na rin ang araw pero natutuwa pa rin akong makinig sa kuwento nila tungkol sa Hacienda at sa mga trabahador. Nagkakasiyahan kaming tatlo nang kumalabog ang pinto at pumasok ang mukhang mangsasakmal na tigre. Napalunok ako habang papalapit ito sa direksyon namin. Kinuha nito ang braso ko at hinila ako patayo mula sa pagkakaupo. Malaki ang mga hakbang nito na halos hindi ako makasunod pero wala lang akong magawa. "Kier... ano ba!" suway ko rito. "Kier!" Narinig kong tawag sa kaniya ni Russ. Patuloy lang ito sa paghakbang at paghila sa akin na tila ba walang naririnig. Huminto lang ito nang maabutan kami ni Russ at humarang sa harap nito. "What's your problem?" Napalunok ako sa mga mata nitong masamang nakatingin kay Kier. Muli akong napalunok nang makita ko rin ang masamang tingin ni Kier rito. Parang lalapain na nila ang isa't-isa. "Get out of my way," Kier ordered. Kinuha ni Russ ang pulso nito at pilit nilayo ang kamay nito sa pagkakahawak sa akin. Agad akong napahawak sa braso dahil ramdam ko ang kirot doon sa higpit ng pagkakahawak niya kanina. "You're hurting her," muling malamig na sambit ni Russ. Matagal silang nakipagsukatan nang tingin sa isa't-isa bago bumaling sa akin si Russ. It was obvious na sinisubukan niyang palitan ang ekspresyon. "Mauna ka na. May pag-uusapan lang kami," malumanay na sabi nito sa akin. Tumango ako. Sumulyap ako kay Kier na magkasalubong pa rin ang mga kilay bago ako tuluyang umalis. Russelyn Sandoval __ Bumuntong hininga ako bago muling bumaling rito nang makita kong nakalayo na si Zen. "You can't just do that. P'wede ba, stop acting like a child? Alam ko kung anong pinaggagawa mo. If this has something to do with Aine, tumigil ka na." "You cannot stop me. You know that" he answered, glaring at me. Muli akong bumuntong hininga. I didn't want to lose my cool. Mas matanda pa rin ito sa akin. Gusto ko pa ring limatahan ang sasabihin ko. "Fine," matigas na sambit ko, "pero itrato mo siya nang tama. Not because you are forced to bring her here e hahayaan mo nang matulog siya sa couch. She didn't deserve that at lalong hindi niya deserve masaktan sa'yo sa kahit anong paraan. She's a visitor, treat her fairly." Gusto ni tito na ipakilala niya sa Hacienda si Zen. Nakakahiya lang na unang araw niya rito pero sa living room siya nakatulog sa dinami-raming silid sa mansion. "She chose that." Hindi ako makapaniwala rito. Para bang wala akong maaninag na kahit kaunting konsensya man lang sa kaniya. "Nakikita mo ba yang sarili mo, ha?" Tinulak ko ang dibdib niya gamit ang hintuturo ko. "You've lost yourself kakahanap kay Aine na obviously, ayaw nang magpakita sa'yo. Hindi na ikaw 'yung Kier na nakilala ko. Hindi na ikaw yung kapatid ko," naluluhang saad ko. Nakatingin sa amin si Nanay from a distance at ayokong marinig niya ang pinag-uusapan namin. Tumingin ito sa ibang direksyon na nagtatangis ang mga bagang. "I don't think she would choose this marriage thing with you if you didn't..." Hindi ko gustong husgahan siya at ayokong isiping tama ako, but my instinct... it never failed. Pinili kong hindi ituloy ang sasabihin ko. "Sana lang, sana lang..." Huminga ulit ako ng malalim bago magsalita, "wala kang kinalaman sa break up ni Zen at ng fiancé niya. Sana lang wala kang ginawa para piliin niya ang choice na 'to. Oo, kamukha niya si Aine but she's not Aine--" "Shut up!" he shouted. Never in my whole life niya akong sinigawan but it was fine with me. Ayokong magpaka-sensitive ngayon dahil mas kailangan niyang magising sa katotohanan. "And if you are just using her, stop it now, Kier. Stop it habang maaga pa. Habang wala ka pang nasisira at habang hindi pa huli ang lahat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD