Chapter One

1875 Words
CLOVER SABI NILA KAPAG NAKAKITA KA NG FOUR-LEAF Clover ay sumisimbolo iyon ng swerte. Pero mukhang salungat ang nangyayari sa akin dahil bukod sa pang-apat at bunso ako sa pamilya namin ay Clover pa ang pangalan ko pero wala namang swerte ang nangyayari. Kundi puro kamalasan lang... “Nurse Clover! Yung defibrillator, ano ka ba?!” Parang bumalik naman ako sa aking huwesyo at nanlaki ang mga mata nang mapagtanto kong nasa emergency nga pala ako. “Po?” “Yung defibrillator! Mamatay na yung pasyente natin, nakatunganga ka pa!” sigaw sa akin ng doktor. Nanlaki naman ang mga mata ko at agad na kinuha ang defibrillator at saka binigay sa kaniya iyon. Nilagay ko na rin ang electrode gel at naghanda na pumihit. “Charge one hundred fifty joules!” utos ng doktor kaya agad kong pinihit. “Charged!” “Prepare for shock! Clear!” anito at idinikit ang hawak sa dibdib ng pasyente kaya agad itong tila na nakuryente. “Resume CPR!” Agad naman na gumawa ng CPR ang isang nurse at muli akong nag-charge ng two hundred joules at inulit ng doktor ang ginawa niya sa kaniyang pasyente. Paulit-ulit hanggang sa marinig namin ang tunog sa ECG at nakitang may movement na ang heart beat nito. “The patient is ROSC, we need to bring him to the operating room for surgery,” saad ng doktor at nilingon ako. “You, find this man's family and tell them about what happened and ask for the consent.” “O-Okay po, Dok!” saad ko at sunod-sunod na tumango. Dali-dali naman akong pumunta sa nurse station para tingnan ang identification ng pasyente ngunit hindi pa man ako nakakatawag ay biglang dumating ang isang ginang kasama ang isang babae na nagmamadali at mukhang maiiyak na. Napaigtad pa ako nang lumapit sila sa nurse station at nagbagsak ng mga kamay sa desk. “R-Ruel Santos! May Ruel Santos ba dito?!” histerikal ng ginang sa kasama kong nurse. Tumayo naman ako at hawak ang consent form ay lumabas ako ng nurse station para lumapit sa ginang. Kunot naman ang noo nito habang palapit ako at nang huminto ako sa harapan niya ay ibinigay ko ang consent form. Inabot iyon ng ginang at binasa. “Nadamay po sa isang traffic accident ang pasyente— “Buhay pa ba siya?” “Ha?” tanong ko at napakurap saka tumango. “O-Opo. Buhay pa po pero dinala na siya sa operating room—” Hindi ko natapos ang aking sinasabi nang bigla akong sampalin ng ginang sa pisngi. Malakas iyon kaya natigilan ako. Narinig ko pa ang singhap ng mga kapwa ko nurses dahil sa nasaksihan. Nang ibaling ko ang tingin ko sa ginang ay galit pa rin ang mukha nito. “Sino ang nagbigay sa 'yo ng permiso para operahan ang anak ko?! Paano kung namatay 'yan?! Sagot mo ba ha?!” anito na sinigaw-sigawan ako. Napalunok ako ng laway at tumikhim. “Mawalang-galang na po, pero mamatay po ang anak ninyo kung hindi siya mao-operahan agad—” “E, paano kung namatay?! Ha? Ano?!” Nang muling susugod sa akin ang ginang ay nilapitan na siya ng isang nurse at ng head nurse para kausapin. Nanatili pa rin akong nakatayo kahit ang totoo ay gusto ko ng tumakbo papunta sa barracks namin para magpahinga. Twenty-two hours na akong naka-duty at feeling ko bibigay na ako. Pero hindi p'wede dahil ayokong mapahiya sa papa ko. Habang nakatayo pa rin ay dumaan sa harapan ko ang direktor ng ospital, kasama nito ang head doctors at mga physicians. Kasama rin nila ang papa ko na isang neurosurgeon. Napapailing ito nang makita ako siguro dahil nakita o narinig niya ang nangyari. Alam ko namang disappointed siya sa akin dahil sa halip na mag-doktor ay nag-nurse ako. Ang hirap kaya mag-doktor! Heler! Napabuntong-hininga naman ako nang lumagpas na sa akin ang mga VIP. Napangiwi na lang ako at naglakad papunta sa cafeteria para humingi ng yelong ilalagay ko sa pisngi kong sinampal. Nagpaalam lang ako sa head nurse namin at naglakad na ako pero hindi pa ako nakakarating sa cafeteria nang marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. “Hello?” sagot ko at hindi ko na tiningnan kung sino ang tumawag. “Clover, it's me, your father. The director wants to see you now,” anito kaya natigilan ako. “Bakit daw po—” hindi ko na naman natapos ang tanong ko dahil pinatayan na ako ng tawag. Napangiwi na lang ako at dumiretso sa opisina ng director. Ilang minuto lang ay narating ko na iyon at kumatok lang ako. Nang bumukas ang pinto ay si Papa ang bumungad sa akin. “Papa—” “It's Doctor Fulgencio, Nurse Clover.” Tumango ako at pumasok na sa loob saka lumapit sa harap ng director. Napalunok ako ng laway dahil bakas sa mukha nito na may hindi magandang ipaparating sa akin. “Magandang hapon po, director—” “You will be transferred in our trauma center in Negros Occidental effective tomorrow.” Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. “T-Trauma center?! Seryoso po ba kayo? I mean, Director, probinsya 'yon 'di ba? P'wede ba ako sa city? O kaya sa—” “It's final and Doctor Fulgencio, your father already agreed. Pinirmahan ko na rin ang transfer paper mo.” “Papa—I mean, Doctor Fulgencio, ayoko po sa trauma center—” “Nurse Clover, do you know why we transferred you? It is because you are lack of focus and concentration to your job. You're not alert. Tulad kanina, you were lost on your thoughts in the middle of resucitating the patient. Kung hindi lang kita anak, pinatanggal na kita dahil mamatay ang tao sa ginagawa mo,” ani Papa na nakataas ang kilay at bakas sa mukha ang pagka-dismaya. “Pero—” “No, buts. You will be transferred and once you learn how to do your job properly, we will transfer you here again,” saad ni Papa. Napabuntong-hininga naman ang director at ngumiti. “You're smart, Hija. Ikaw ang top sa board exam. You're just lack of alertness. In short, medyo lutang ka lang.” “L-Lutang?” nakangiwi kong sabi. “Yes, that's why we want you to the trauma center. For sure, lalabas ang alertness mo doon.” Napaawang na lamang ang labi ko dahil hindi ko lubos akalain na magiging ganito ang kahahantungan ng pagiging nurse ko. Mukhang kailangan ko ng mag-ipon ng maraming concentration dahil sa mapupuntahan kong ospital. Pa'no na 'to? KAKABABA KO LANG NG EROPLANO PERO amoy na amoy ko na agad ang probinsya. Wala ring sumundo sa akin kaya wala akong choice kundi ang mag-commute. Lumabas na ako ng airport at naghintay ng na-book kong kotse na maghahatid sa akin sa trauma center. “Hay! Sa wakas! Dumating din!” saad ko at inayos ang aking salamin saka naglagay ng gamit sa trunk ng kotse at pumasok na. “Excuse me—“ “Hep!” pigil ko sa salita ng driver. “Ihatid mo na lang ako sa Pelaez Trauma Center. Pakigising ako pagdating natin.” “What—” “Hep!” muli kong pigil at kumuha ng isang libong piso saka binigay dito. Kinuha niya rin ang pera at napapailing. Hindi ko naman masyado makita ang mukha nito dahil sa sout na cap pero hindi naman na importante iyon. Umidlip na ako sa backseat at hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog. Nagising na lang ako nang may kumalabit sa braso ko kaya agad kong inayos ang aking salamin saka nag-unat nang bahagya. Lumabas na ako ng kotse at napangiwi nang makita ang lugar kung saan ako pansamantalang magtatrabaho. Medyo luma na yung building at napapalibutan ng mga puno. Pelaez Trauma Center... “Here's your luggage,” saad ng driver. Antaray! Inglesero ang driver— Hindi ko natapos ang aking sinasabi nang sa paglingon ko ay hindi ko inaasahan ang mukhang bubungad sa akin. Ang tangkad niya na halos hanggang balikat lang ako at hindi lang 'yon. Masyado siyang pogi at macho. Makapal ang kilay at teka, hindi kaya nagkamali ako ng sinakyan? “Kung iniisip mong nagkamali ka ng nasakyan, you're right,” anito at humalukipkip. “Now, get your bag inside my car.” Nanlaki ang mga mata ko at dali-dali na kinuha ang shoulder bag ko na nasa loob pa ng kotse niya. Siya na rin ang nagsara ng pinto at napaigtad pa ako dahil parang may kasamang galit ang pagsara niya. Napalunok pa ako ng laway at inayos ang aking salamin dahil naalala ko kung paano ko siya utusan kanina. “S-Sorry po! A-Akala ko po kayo yung... yung na-book kong kotse—” “I'm driving a high-end car, Miss. Hindi mo man lang naisip—” “Malay ko ba sa uri ng kotse. Pasensya na talaga! Magbabayad na lang ako ulit.” “No thanks, your one thousand is enough. Maswerte ka at iisa lang ang way natin at hindi ako masamang tao. Because if luck avoided you, you'll be dead right now.” Tama naman siya sa puntong iyon dahil kung minalas ako, baka patay na akong uuwi sa maynila. Pero as if naman, mamatay ako? I mean, I am Clover, the fourth child. “Nurse Clover! Captain Theron!” saad ng isang lalaki na sa tingin ko ay isang nurse din. Lumapit ito sa amin at ngumiti. “Nurse Lexie, are they already here?” tanong ng makisig na lalaki. Hindi ko maiwasan ang titigan siya nang mataman. Matangkad, pogi, macho at higit sa lahat mukhang kaya akong protektahan sa kahit na anong kapahamakan pa 'yan. Napalunok ako ng laway at inayos ang sout kong salamin. Nang bumaling sa akin ang tingin niya ay nanlaki ang mga mata ko at umiwas ng tingin. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis ng t***k niyon. Hindi ko tuloy alam kung kinakabahan ba ako o na-love at first sight na. “Dumating na po sila, Captain,” sagot ng nurse at tumingin sa akin. “Kumusta na naman ang biyahe mo Nurse Clover? Buti hindi ka nahirapan sa paghahanap ng trauma center.” Talagang hindi ako mahihirapan, sumabay ba naman ako sa dito rin pupunta... “O-Oo nga e. Buti na lang,” sagot ko at ngumiti pero sa tingin ko ay ngiwi ang kinalabasan niyon. “Ay siya nga pala, Captain, this is Nurse Clover Fulgencio, transferred nurse from manila. Nurse Clover, this is Captain Theron Levistre, he is here to protect the center from... from threats.” Threats? Tumango ako dahil sa pagkamangha. Kaya siguro napakakisig niyang tingnan dahil kapitan siya? Ngumiti naman ako nang matamis at naglahad ng kamay sa kaniyang harapan at kumurap-kurap. “Hi! I'm Nurse Clover or you can call me your lover or whatever you want,” saad ko at ngumiti nang matamis. Pero nangalay lang ang kamay ko dahil hindi niya man lang iyon pinansin. Tinaasan niya lang ako ng kilay at dire-diretsong pumasok sa Trauma center. Napaawang naman ang bibig ko dahil wala man siyang salitang binibigkas ay gets ko agad na ayaw niya sa akin. “Sungit...” Mukhang magiging interesting ang stay ko dito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD