NAGISING si Brielle na parang may humahalik sa pisngi niya. At nang magmulat siya ng mga mata ay hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang makita kung sino ang humahalik sa kanya. Walang iba kundi ang anak niyang si Brianna. Napansin niyang nakatunghay ito sa kanya. Napakurap-kurap naman siya ng mga mata habang sinasalubong niya ang titig ng anak. Habang nakatitig kasi siya sa anak ay parang si Apollo ang natitigan niya. At nang maalala niya si Apollo ay hindi na naman niya napigilan ang makaramdam ang puso niya ng bahagyang kirot. Naramdaman nga din niya ang pamamasa ng kanyang mga mata. Napakurap-kurap naman siya ng mga mata para pigilan ang luhang gustong pumatak sa mga mata niya. Ayaw niyang umiyak sa harap ng anak niya dahil magtatanong ito kung sakali na makita

