NAGTAKA si Brielle kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa din lumalabas si Apollo sa kwarto nito. Nitong mga nakaraang araw kasi ay kapag alam nito na magluluto na siya mg dinner nila ay naroon na ito sa kusina, pinapakiramdaman yata siya nito habang nagluluto siya. At hindi ito umaalis hanggang sa hindi siya natatapos sa pagluluto. Nagpakawala naman si Brielle nang malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay tinapos na niya ang pagluluto niya ng dinner nila. Sinigang na baboy lang naman ang niluluto niya sa sandaling iyon, nakapagluto na din siya ng kanin. Nang matapos siya ay inihain na niya iyon sa mesa. Naisipan na din niyang magtimpla ng juice para sa kanilang dalawa. Simula noong bumalik sila galing sa pagbabakasyon ay sabay na lagi silang kumakain na dalawa. Naihanda na

