PARANG ayaw bumaba ni Brielle sa Taxi na kinasasakyan ng huminto iyon sa tapat ng bahay ni Apollo. Makalipas ng kalahating oras na biyahe ay nakarating na din siya sa bahay na pinagta-trabahuan niya. Pagkaalis niya kanina sa bahay nina Marie ay agad siyang sumakay ng Taxi patungo sa bahay nito para bumalik siya sa trabaho. "Miss, nandito na tayo," mayamaya ay untag naman ng driver na kinasasakyan niyang Taxi ng mapansin nitong hindi pa siya kumikilos mula sa kinatatayuan niua. Napakurap-kurap naman siya ng mga mata. Nag-angat din siya ng mukha at nakita niya itong nakatingin ito sa kanya sa rearview mirror ng kotse. "Sige po," sabi naman niya. Pagkatapos niyon ay kumuha siya ng pera sa wallet niya at inabot niya iyon sa driver. "Salamat po," wika niya dito at saka niya binuksan ang p

