HABANG palapit na palapit si Brielle sa pinto ng bahay ni Apollo ay palakas nang palakas ang t***k ng puso niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din maali-alis ang mga salitang sinabi nito sa kanya kahapon noong day-off niya noong tawagan siya nito. Hindi niya maalis iyong salitang 'Miss' na siya nito. Hindi kasi siya nakapaniwala, hindi makapaniwala ang puso niya na sasabihin nito ang mga iyon sa kanya And to be honest, sobrang saya ng puso niya sa sinabi nito. Pakiramdam nga niya ay nasa alapaap siya. No'ng sabihin nga nito iyon ay hindi siya makapagsalita, she was speechless. Hindi niya magawang sumagot. At noong tanungin siya nito kung hindi niya ba ito nami-miss ay do'n lang siya nakasagot. At sinabi niya dito na nami-miss na din niya ito. Sa pagkakataong ngang iyong ay ito naman

