Melting me gently May dalang basket at payong si Lyan na sumunod sa Ilog nang marinig niya mula sa kanyang mga kapatid na pupunta sila ngayon doon kasama ni Chase. Ito ay pakana ni Aries dahil ito ang mahilig magpunta sa ilog. Sampung minuto lang naman ang itatagal kung lalakarin ito mula sa kanilang bahay. Hindi niya rin naman mapigilang hindi mag-alala dahil parang batang nakawala sa hawla si Chase. Labas ng labas at kung saan saan nagpupunta kung may nag-aaya sa kanya. Pero dahil babalik na ulit sila sa Gilberts bukas, pinabayaan na lamang ni Lyan si Chase sa kanyang gusto. “Ay Kabayo-“ Napasigaw naman agad si Fara nang matunton siya ni Lyan at biglang hinablot sa kanya ang cellphone nito. Kasalukuyan kase nitong kinukuhanan ng larawan si Chase na naka topless “Aba Manyak ka ah!”

