No place for the second ones "I'm taking this away.." Nang marinig ni Lyan ang boses ni Chase mula sa mga kwarto ng mga bata ay napabalikwas ito ng takbo papunta doon. "Daddy!" Napaluhod sa sahig si Jin at Jana na nadatnan ni Lyan. Nakita naman ni Lyan na hawak-hawak ni Chase ang tablet ng mga bata. "Kaya pala hindi kayo lumalabas at bumababa kapag tinatawag kayong kumain na dahil abala pala kayo sa Tablet. Hinihintay niyo na lang na dalhin ng Ate Lyan niyo ang pagkain ninyo?" Napansin naman ni Lyan ang inis sa boses ni Chase. "Sir." Kaagad naman na lumingon si Chase sa kanyang likod ng marinig niya ang boses ni Lyan. "Bakit mo pinagtatakpan ang mga bata? Dapat sinasasabi mo sa akin ang mga ganitong bagay. If you can't scold the twins then that is my part to do." Mistulang napako

