The Boss and his Twins “Lintik na mga employer ‘yan!” napasigaw si Lyan habang pagewang-gewang ito na naglalakad. Mukhang nadamihan niya ang pag-inom ng beer. Hindi pa naman siya sanay sa inuman. But that was her only way to ease her frustrations. Hindi na niya mabilang kung naka-ilang reject na siya sa mga trabahong inaapplyan niya. “Puro experience hanap! Kaya nga magtratrabaho para magka-experience!” Tuloy-tuloy naman siyang napababa dahil pababa na pala ang lupa na naapakan niya. Napansin niya na may mga tao na nakatambay dito at para bang may inaabangan sila. “Kukuha ng valid i.d. Tapos kailangan mo rin ng valid i.d! Mga bulbul kayo! Kaya nga kukuha ng valid i.d kase walang i.d!” Napalakas pa ang sigaw nito. Mabuti na lamang ay hind gaano karami ang tao rito at mas abala sila sa

