PAGSAPIT ng alas-singko ay mabilis na tinungo ng matanda ang kwarto nitong si Summer para gisingin ito. "Gising! Gising!" Gising ng matanda sa apo nito na nuon ay napadilat lang sabay pikit muli ng mga mata ilang segundo lang. "Gigising ka o bubuhusan ng tubig?" Sambit ng matanda dahilan para iritableng napatalukbong ng kumot lang si Summer. "Lola, yung kaluluwa ko naiwan pa sa panaginip ko. Tapusin ko muna." May pabulong nitong sagot sa matanda habang nakapikit ang mga mata. "Gising na sabi!" Sabay hampas ng tusok ng hawak nitong tungkod sa may pwetan nitong apo niya ngunit hindi naman nagpatinag itong si Summer at umusog lang. "Pagbilang ko ng tatlo na hindi ka pa bumabangon, tatlong hampas din ng tungkod ko ang aabutin mo. Isa---" Aniya ng matanda na nakatingin lang sa apon

