HINDI makapaniwala si Summer na nakarating na siya ng Maynila, ang dating napapanaginipan niya lang at madalas buka ng bibig heto at kaniyang kinatatayuan niya na. "Hoy, ginagawa mo?" Napahinto itong si Mau ng maramdamang wala na namang Summer na nakasunod sa kaniya, bahagya pa siyang kinabahan dahil akala niya nawala na ito. Parang bata si Summer sa kalagitnaan ng maraming tao na hindi mapigilang mamangha sa paligid. Napapailing na lamang si Mau habang pinanunuod ang kaibigan. Hahayaan niya na lang eto, kung tutuusin kahit papaano alam niyang napasaya niya ito ngayon. "Oy tara na." Tawag niya kay Summer. "Ah--huh?" "Ano? Sasama ka ba sa akin o tatayo ka na lang diyan? Ikaw din bahala ka." Paalala ng kaibigan kay Summer na napatalikod, agaran namang napahabol itong si Summer s

