BAGO pa man maisara ang bintana ng kotse ay biglang napahawak itong si Summer sa braso ng kaibigan para sana pigilan ito at sumenyas na manahimik muna panandalian na para bang may pinakikinggan siyang kung anong boses na naman mula sa labas. "Hoy, ano? Ganito na lang tayo? O baka trip mo maglakad pauwi?" Pananakot bigla nitong si Mau na napapailing, na maske siya ay biglang nagtaka sa ikinilos ng kaibigan niya. "San-sandali lang naman, may narinig ako. Boses ng isang lalaki." "Huh? Anong narinig mo? Pano magkakaroon ng boses lalaki dito ey tatayong dalawa lang ang nakaparada, imposible namang may sumilip sa mga sasakyang dumadaan at magsisisigaw." "Seryoso ako, kanina may narinig din ako kaya napatigil ako." "Ano sabi, aber?" "Hindi ko sure, pero parang dalawang pangalan ang narinig

