MALAKAS na pagkakabagsak mula sa kama ang natamo nitong si Mau sa gulat ng biglang tumilaok ang manok. Napahawak ito sa ulo sa sakit ng pagkakabagsak niya. "Aa--araaay ko, a-ano ba iyon?" Nakapikit na pupungas pungas ang kawawang si Mau na nuon ay nasa lapag na at tila hindi naaalalang hindi na lang siya ang nag-iisa sa loob ng condo unit niya. Dahan dahan siyang tumayo para bumalik ulit sana sa kama at mahiga nang bigla na namang tumilaok ang manok ng malakas para ikahulog niya sa pangalawang pagkakataon. "Punyemas, kaninong manok ba iyon at ng maleletch--" Napatigil si Mau nang mapalingon mula sa likuran niya at napasigaw ng may maaninagang ng munting liwanag ang mga mata niya. Sa takot niya sa kung anung klaseng anino ng nilalang ito ay napasigaw siya. "Aaahh!" Pagsisisigaw nito

