Hopeless
Banas na banas ako rito sa Terminal ng Bus at Jeep. Omygad. Why the hell I am staying here to wait?
Oo nga may car ako .. Pero tinamad akong dalhin sa Probinsya namin. Heler. Ayokong yun naman ang ibenta ng kuya kong tukmol.
May narealize tuloy ako dahil magdadalwang oras na ko ritong nakatayo.
Ang Pag ibig pala parang paghihintay lang ng sasakyan.
Sa sobrang tagal mo sa paghihintay napapagod kana at nangangalay.
Pero kahit ano pa man ang dahilan wala kang ibang choice kundi maghintay kung talagang mahalaga sayo.
Pero mahirap yung todo effort ka sa paghihintay tapos wala ka na palang hinihintay.
Ilang beses akong napapasinghap at napapabuntong hininga dahil nakakasawang maghintay.
Oh c'mon. Ang bagal. Ang init init pa.
Naupo muna ako sa gilid habang naghihintay. Kailangan kong maupo kung ayaw kong mangalay.
Kung kelan naman nakaupo na ko saka dumating ang BUS papuntang Alfonso.
Kaya ang nangyari. Dali dali akong tumayo at tumakbo papuntang pinto ng Aircon bus para sumakay. Ang dami kong kasabay. Kaya siksikan na pero siyempre Aircon Bus yun hindi gasino ang tao sa loob kaya madali akong nakaupo sa may malapit sa bintana.
Bakit kaya sa tuwing uuwi ako? Palagi nalang walang natabi sakin. Psh.
Muka ba kong may nakakahawang sakit?
Pinilig ko ang ulo ko sa may bintana at tinanaw ang mga bahay at gusaling dinadaanan.
Nagstop over ang bus sa may Robinson Dasma. Ganon parin. Maraming nag aabang.
Pumikit muna ako saglit ng may lalaking umupo sa tabi ko. I look at him. Pero di ako nabigla. Kahit na sobrang gwapo nito.
May singkit or katamtamang itim na mata. Matangos ang ilong. Maputi may maliit na dimples at sobrang kinis ng muka. Matangkad rin siya at mukang Kpoppers.
Nakasuot siya ng fitted jeans na pinartneran ng pulang shirt na ang tatak ay Fumah.
Iiwas na sana ako ng tingin nung mapansin niyang tinititigan ko siya.
He's handsome, hot and sexy. Pamatay ang titig at ngiti niya. Yun nga lang may pagkasuplado. Bitbit niya pa yung gitara niya.
Pinasadahan ko pa siya ng tingin ulit bago bumaling sa may bintana.
Maraming nasakay kaya di maiiwasang di mapuno. Kaya ang ending napapasiksik siya sakin habang nakangisi.
Sinisiksik kasi kami ng mga taong kasasakay lang.
"Padaanan niyo po ang iba para magkasya. Konting usog lang po."sabi ng konduktor. Napasinghap ako dahil halos di na ko makahinga sa sobrang lapit namin sa isa't isa.
Gustong gusto ko ng magreklamo kaso nakakahiya naman..
Panay ang reklamo ng iba. Napapaismid nalang ako. Kasi ang hirap. Tapos pakiramdam ko yung manly scent niya nakapit na ang amoy sakin. Omygosh. Ambango. Parang nakakabaliw ang amoy niya. Napapailing nalang ako.
"Uh? You okay?"napatingin ako sakanya nung nagsalita siya .. Nagnod lang ako. I used to be cold at all times. Kesa maging friendly. Sa f*******: lang talaga ko maingay at palakaibigan.
"sure? I'm sorry. Mukang sikip na sikip kana."He smiled akwardly. Kaya napangiti ako.
"Uh? Yeah. Sanay na kong ipagsiksikan ang sarili ko. No choice eh."wait ! Omygad. Parang double meaning yun ah. Nabuhay na talaga ko sa hugot jusko.
"Hugot. "humalakhak siya .. Ang gwapo ng boses.
Pagkatapos nun natahimik lang kami. Napatingin ako sa bag pack niya.
May nakasabit kasi doon na I.D kanya siguro.
Binasa ko talaga.
Vincent Sagle
yun lang ang naintindihan ko medyo malayo kasi talaga yung bag niya. Pero naaninag ko pa.
Lihim akong napangiti. Saka ko lang narealize na kahawig niya pala si Jungkook.
Shems. Mal na mal ko pa naman si Kookie.
Bumaba siya sa Silang .. Hinabol ko ng tingin ang pagbaba niya.
Magkikita pa kaya kami?
Kapangalan niya pa talaga ex ko huh.
Nakatulugan ko na ang biyahe hanggang sa makarating ako ng Alfonso. Nakadaan na pala kami ng Tagaytay at Luksuhin.
Huminto ang Bus sa tapat ng Mercury Drug. Dali dali akong bumaba para makasakay sa Terminal pa -Bailen.
Inaantok na ako. 8:39pm na. Sana naman may sumundo sakin o kaya pwede ring magcommute nalang ako. How I wish na sana may Tricycle pa sa kanto.
Medyo nakakainip ang biyahe. Ang bagal bagal. Dahil binababa pa ang mga pasahero ..
"Para po sa may kanto lang po ng Kabulusan." untag ko ng matanaw ko ang Boundary.
Agad namang inihinto ng Driver. Pagkababa na pagkababa ko palang nakita ko na agad ang pinsan kong si Harold. Ngumiti siya sakin at sinimulang buhayin ang motor niya.
"Naks, insan. Inutusan ka ba ni Mama na sunduin ako?"nagnod lang siya at seryosong nagdrive. Hanggang sa makarating kami sa Bahay nila Lola.
Nagpasalamat ako sakanya bago tuluyang pumasok sa loob. Hinanap ko rin sila lola para magmano. At saka ako naghalf bath ..
Kahit kelan talaga ang lamig ng tubig dito sa CR. Halos manigas na ko sa sobrang lamig.
Nagtira si mama ng ulam at kanin kaya kumain muna ko. Bago lumabas ng bahay. Sinalubong ako ng tropa para tumambay.
"habang tumatagal lalo ka yatang gumaganda pre."si Kim yan. Nginitian ko lang siya saka lumagok ng isang basong Alak.
Ganito rito. Nakasanayan na kasi namin ang mag inom.
I hate it. Yung kapag nalulungo kami sa alak mga madrama na.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahal na mahal ko talaga si Alvin pre. Kaso lagi kaming nag aaway. Lagi nalang pre."madramang tugon ni Kim habang hawak ang isang bote at sa kabila ng kamay niya ang basong walang laman. Naglagay siya sa shot glass saka nilagok at di na nagpatumpik tumpik pa ay naglagay ulit saka ininom.
Sigurado ako na mamaya lang. Mag iiyakan nanaman. I don't know what to do.
At di nga ako nagkamali. Nakatatlong bote pa kami. Pang labing isang bote na ito ng Emperador Lights.
"Tama na yan. Ihahatid ko na kayo pauwi."sabi ko at inawat na sila. Lahat kami may amats na pero kaya ko pa. Ako kasi yung may pinaka matibay na sikmura at isip sa tuwing nagkakainuman.
Hinatid ko na ang iba last na si Kim. Saktong kahahatid ko nung dumating si Harold. Madalas ko nanaman itong makakasama. Hell yeah..
"What are you doing here?"tanong ko ng huminto ang motor niya sa tapat ko. Nakakasilaw ang ilaw ng motor niya. Bumaba siya para makalapit sakin.
"Its already 4am in the morning and you're still here. What to do you expect?"ani nito habang naiiling. Inakbayan niya na ko.
"at baka nakakalimutan mo. You're still a girl."pahabol niya at bigla ba naman akong binatukan. Anak ng sinampalukang manok naman oh!
"Aray! Oo na tay. Tara na uuwi na ho."sabi ko ng naiirita at may halong sarcasm. Ngumisi siya at saka inalis ang kamay sa balikat ko. Sumakay na siya sa motor niya at hinintay na makaupo ako. Saka nagdrive pauwi.
Siguro kung di lang talaga kaming mag pinsan nito ay pwede rin akong mainlove sa natatangi niyang kakisigan. He has a seductive charisma na kapag tinitigan ka niya at ngumiti siya maiinlove ka. He's cute lalo na kapag nakaduck pout siya. Kengkoy din siya na may pagkasarcastic minsan. Yeah, he's harsh sometimes pero mabait siya at maalalahanin. Panay rin ang hugot at kabalastugang alam nito sa f*******: at Insta. Nakakaloka talaga.
"How's your life?"pambasag niya sa katahimikan. Napangiti ako saka kumapit sa bewang niya.
"Fine as well. Ikaw?"untag ko. Pumikit ako para damahin ang sariwa at malamig na simoy ng hangin. Fresh.. Ansarap sa feeling. Ambango ng amoy ng paligid. I really miss it.
"Well. Gwapo kaya laging habulin ng girls. Pati pala bakla. Tsk."ani nito na para bang naiinis pero nakangiti. Crazy.
Humagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. Saktong hinto niya naman sa bahay ng lola namin.
"Laugh until you fart.."natahimik ako at nagpasalamat sakanya.
"Thanks, insan. See you soon."tumawa ako ulit bago pumasok sa loob.
Nakatulog ako sa sobrang pagod ko sa biyahe pati na rin sa inuman at paghahatid sa barkada pauwi sa bahay nila.
Hanggang sa nakatulugan ko na ang sobrang kapaguran.
"I know, mahal mo ko! Mahal mo ko diba? Bakit mo ko kinalimutan ?! Bakit ganun nalang kadali sayo ang magkahiwalay tayo? Siya ba ang ipinalit mo sakin?! Hershey? Siya ba?"sabi ng lalaking kausap ko. Madilim kaya hindi ko makita ang muka niya. May katabi ako, lalaki din. Hindi ko ito kilala. Humalukipkip ito sa sobrang tense. Lalo na at sinisigawan ako ng lalaking nasa harap ko. Pamilyar ang boses niya. Hindi ko lang malaman kung sino siya. At kung ano ba ang pangalan niya. I can't recall. Omygosh.
"Ano sumagot ka! Wag mo kong titigan lang! Kilala mo ba ako?! Huh?! Kilala mo ba ako?? Natatandaan mo pa ba kung sino at ano ako sayo? Sumagot ka! Fvck."out of frustration na isuklay niya ang daliri niya sa buhok niya. I know, he's handsome but I don't know who the hell is he.
Inalog alog niya ko pero nanatili akong nakanganga at tulala sakanya habang kunot na kunot ang noo.
He look at me into my eyes. I see myself in his own eyes. Who is he?
"I didn"t know who are you."biglang lumabas sa bibig ko. At nakita ko ang pagbabago ng expression ng muka niya. Ngumisi siya at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"Then I'll do my best to make you remember who I am."nilapat niya ang labi niya sa labi ko. Everything is fine. Bumilis ang t***k ng puso ko. Nanginig ang tuhod ko. Nag init ang pisngi ko. Parang may mga butterflies na nagwawala sa kaibuturan ko. I feel it. This feelings is familliar but I can't recall.
I felt the world is mine. Pakiramdam ko napakaswerte ko. Ansarap at ang saya sa feelings..
Naramdaman ko nalang ang sarili ko na ginagantihan ang bawat paghalik niya. Bawat pag galaw ng bibig niya. Ang pagwawala ng dila niya at dila ko inside my mouth. Pinagmasdan ko ang mga mata niya. Ang kumikislap niyang mata. He's really adorable.
Ngumiti siya sakin sanhi para mapapikit ako at lalo pang damahin ang init ng halik na ipinapataw niya. Napahawak ako sa batok niya habang nakatiad.
Isang mahaba at nakakalunod na halik.
Napahinto siya sa pag aakalang naalala ko na ang lahat.
"Do you recall?"napatulala ako at napa awang ang bibig ko. Sumimangot siya at iniwan ako doon.
Nakita ko pa ang likod niya habang naglalakad palayo sakin. Naramdaman ko ang bigat sa mga paa ko. Ang bigat at kirot sa dibdib ko. Gumuho ang mundo ko sa isang iglap lang. Nawala ang taong sa tingin ko ay sobrang mahalaga sakin.
Napatingin ako sa paligid bakit ang dilim. Wala akong makita. Kundi ang anino ko..
Hinanap ko yung lalaking sinabi na ipinalit ko sakanya kaso nawala rin ito. Mag isa nalang ako sa gitna ng Park.
Napaluhod ako sa sobrang depression. Nanghihina ang buong katawan ko. Sobrang sakit. Unti unting pumatak ang luha mula sa aking mapupungay na mata.
Umiyak ako ng umiyak hanggang sa naramdaman ko na para bang nahahabag ako sa sarili ko.
"huhuhuhu...b-bumalik ka.. Please...bumalik ka...di ko kaya kung wala ka...huhuhuhu.."
Panay ang pag hagulgol ko na para bang batang inagawan ng candy kaya halos mag gulong na.
"HERSHEY! Hoy! Babes!"nakapikit parin ako habang humihikbi. Naramdaman ko nalang na may nasampal na pala sa magkabilang pisngi ko.
Unti unti kong iminulat ang mata ko.
"Wtf? Are you okay? Bakit ka naiyak? Binangungot ka nanaman noh? Sino yung ayaw mong umalis??"sunod sunod na tanong ni Kim sakin.
Natahimik ako para kasing may bumara sa lalamunan ko. Napalunok ako ng dalwang beses bago nagsalita.
"Oy! Bakit grabe ka kung makaiyak? Okay ka lang?"tumango tango muna ako bago sumagot.
"hindi ko alam kung sino yung taong nagpupumilit na alalahanin ko siya. Kung bakit gusto niyang matandaan ko kung sino at ano siya sakin. I can't recall. Tapos bigla niya kong iniwan. Nagalit.."sabi ko. Hindi ko na sinabi na naghalikan kami nung nasa panaginip ko. Nakakahiya yun noh.
"omygad?! Dahil yan sa amnesia mo. Kaya siguro ganun ang napanaginipan mo. Baka may isang tao kang nakalimutan. At kung sino man siya ay hindi ko din alam."sabi nito. Napatahimik ako ulit. At kahit anong pag alala ang gawin ko. Wala talaga.
Napalunok ako sa huling pagkakataon. Sabay hawak sa pang ibabang labi ko.
That kissed ..
Nag toothbrush lang muna ako saka nag shower na rin
Bumaba ako doon sa sala saka niyaya si Kim paalis. Mag gagala kami sa Bayan. Trip lang.