Nagkwentuhan pa kami ni moo bago kami matulog. Sobrang gumaan ang pakiramdam ko nung mag i love you siya sakin. Tinadtad ba naman ako ng I love you. Overwhelmed ako e. Kinabukasan.. Mas nauna siya saking magising. Kaya nagulantang ako ng makita ko ang gwapo niyang muka. For petes sake! Ang hot niya pag bagong gising. Sumilay ang ngiti sa labi niya. Niyakap niya pa ko ng sobrang higpit. Babangon na sana ako. Kaya lang mas hinigpitan niya ang pagkakayakap ipinatong niya pa ang binti niya sa balakang ko. "mamaya na moo. Dito nalang muna tayo."nagnod ako at niyakap siya pabalik .. Sumiksik ako sa matipuno niyang dibdib. "alam mo moo gustong gusto ko ang makasama ka araw araw. Ang makatabi ka sa pagtulog. Kaya nga ayoko munang bumangon."nakangiti niyang sabi habang hinahalikan ang noo ko.

