Sitmates
Pinaghahandaan na ng mga estudyante at school management ang preparations. Dahil in the last two days mas naging busy ang lahat. Magkakaroon kasi ng La Sallian Week..
Pero gaya ng nakagawian kung may pasok o attendance lang ako napasok kung walang gagawin at puro School Activities lang ay hindi na ko mag aaksaya ng oras at panahon para mag effort na pumasok sa tatlong araw na 'yon..
Sabado na ngayon. At wala akong gagawin.
Kundi maglinis. Tinext ko na rin ang Ate Joyce na dadaanan namin mamayang gabi pag magbabar. 7pm pa kasi ang out nun sa work kaya yun. Isasama rin namin ni Bessy si Harold.
"Kambal! Kelan ba tayo magboboy hunting? Pwede bang gawing Fafables si Harold?"ani Abi habang namamapak ng milo. Andito kasi kami sa Kusina ng condo ko. Magluluto lang ako ng Sinigang para sa tanghalian. Sobrang miss na daw nila ko kaya sila napabisita.
"No. Mas may deserving pa na lalaki diyan sa tabi tabi..."knowing na may pagka Hokage at playboy ang pinsan ko. No way!
"Okay! Hmp. Pogi pa naman niya sayang.. Kambal matagal paba yan? Gutom na kami eh. Diba,Lorraine?"ani Abi habang sinisipat ng tingin si Lorraine na panay manicure.
"Minsan kapag gusto mo ang isang bagay kailangan mo talagang sanayin ang sarili mo sa paghihintay.. Kahit ayaw mo."mapang asar na sabi nito.
Tinaasan ko lang sila ng kilay habang nakapameywang humagikhik naman ng tawa si Abigael.
"Dito nalang kaya kami tumira kambal.. Tutal masarap kang magluto." minuwestra ko sakanila ang salitang "No Way" sumimangot lang si Abi.
Hindi na Celine at Kitty ang tawag ko sakanila. Since wala na naman ako sa FCW.
"Lunch is ready.. Paki ayos nalang ang mga plato at kubyertos.. Kakain na tayo. "mabilis na kumilos ang dalawa at naghanda ng plato at mga kubyertos sa lamesa. Nagsandok ako ng kanin at inilagay sa Tupper wear na malalim saka iniabot kay Abi. At saka ko kumuha ng Ulam.
Nagsimula kaming kumain pero nauwi sa batukan at maingay na tawanan.
Saktong pasok naman ng kaliligo lang na si Harold at nakisalo samin. Halos mabilaukan na si Abi sa sobrang paghahyperventilate. Hindi naman sobrang gwapo ni Harold may itsura lang. Pero malakas ang appeal lalo na sa personal. Kaya maraming babae ang nagkakandarapa sakanya dahil doon.
Pagkatapos kumain naglaro lang kami nga Video Game.
"Pano ba yan! Panalo kami!"sabi ko. Si Harold ang kakampi ko tapos si Lorraine at Abigael. Naglaro lang kami.
"Bal! Penge akong chocolate ah?"sabi ni Lorraine. Nagnod lang ako at inayos ang mga CD. Next time kasi mag momovie marathon kami dito ko sila patutulugin..
"Kumuha ka nalang. Dalhin mo na rin dito yung malaking toblerone.."sabi ko .. Bumaling naman ako kay Lorraine na ngising aso habang panay pagtitipa sa cellphone.. Yumuko ako at tinitigan siya para asarin. Kaso nahampas niya lang ang noo ko habang panay giggles. Pinitik ko ang ilong niya para bumawi. Kaya ang kinalabasan. Naghampasan kami at nauwi sa Pillow Fight.
"Kyaaaaah! Akala mo ha!"hinampas niya ko pero bumawi ako. Halos madamay na samin si Harold kaya nakigulo siya. Saktong lapit ni Abi ng lumanding sa muka niya ang unan na hinagis ni Lorraine.
"Mga Walanghiyaaaa! Argh!"
"HAHAHAHA!"
"Yari kayo sakin! Pag nahuli ko kayooo!!!" nagkatakbuhan sa Sala hanggang sa mauwi sa sapakan. Yung laro laro lang.
Nung mapagod kaming apat panay ang tawa namin. Napahiga kami sa sahig...
"Whoooh!" hiyaw ni Harold habang naghahabol ng hininga.
Di magtatagal magiging close din siya kina Lorraine at Abi.
Panay kain naman si Abi ng chocolate. Nakiagaw na rin kami.
4:30 umalis sila Lorraine at Abi sa bahay. Pagkatapos nagready na ako. Mga 5:30 pm kami umalis ni Harold. Dinaanan narin namin si Leah bago magbiyahe pa-Maynila. Medyo Traffic sa Bandang SM pala pala. Pati sa Pasay. Mabilis yung biyahe nung sa Cavitex kami dumaan. Kaya umabot..
"nasaan daw ba si Joyce?"tanong ni Harold. Siya ang nagmamaneho ngayon. Medyo tinatamad kasi ako.
"Daanan natin sa Baclaran..sa may tapat ng simbahan.."
"Saang bar daw ba tayo?"
"ewan..tinanong ko siya sabi niya basta sumama nalang tayo. Naikwento niya na rin sakin yun dati. Nakalimutan ko lang. Dun daw sila madalas magbar ng mga kaworkmate niya noon.."
"Ah..ayun na pala siya..ihinto ko na.."
"sige.."pinick up lang namin si Ate at nagdiretso na kami sa Bar na tinutukoy niya sa may Makati.
Pagkapark palang napansin ko na yung magandang appearance ng paligid. Maingay nga lang. Pero wala tayong magagawa Bar ang pinuntahan namin e. This is my First time.. Hindi kasi ako nakakapunta noon. Nag yaya ang tropa kaso ayokong sumama. May pumigil sakin dati. Diko lang matandaan kung sino.
Lumabas kami ng sasakyan at nagdiretso sa loob. May bouncer na humarang sa may pinto at tinanong kung ilang taon na kami. Well, nasa right age na ko at sila. Pero hindi halata sakin nagmuka kasi akong bata. Anakng! Baby face eh. Tas ang liit ko pa. :'< buti nalang kilala na rito si Ate at dumating ang kaibigan niya. Kaya ayun nakapasok kami.
Pagpasok mo palang dumadagundong na ang loob sa sobrang lakas ng sounds. Napapaligiran rin ang paligid ng ilaw mula sa Neonlights. May mga waiter at waitress na nagkalat. Maraming tao dahil dinadayo daw talaga ito. May tatlong palapag ang Bar. Nasa pinakataas daw yung may beer pong at sa second floor yung sa billiard. May mga special rooms din dito. Pero no way! Uuwi kami ng maayos noh. At kung hindi man kayanin ay mag hohotel kami si Leah at ate kasama ko sa Room. Bahala si Harold.
Si Harold na ang kumuha ng Table namin. VIP area para di gasinong hassle.
May mga babae agad na lumapit at dinaluhan si Harold. Tsk! Chicboy talaga..
May mga waitress na nagpapagala gala. Kumuha kami ni Bessy ng tag isang Shot glass na may lamang alak.
Umorder na si Ate ng mga Hard drinks namin. At dineliver na ng waitress sa table namin.
Maingay sa paligid kaya natahimik ako. Panay ang lagok ko sa beer. Habang pinagmamasdan ang iba't ibang klaseng tao..
Karamihan sakanila may itsura. At halata kung sino ang mayaman sa mahirap.
"Bessy, ansaya rito no?"
Saad ni Bessy habang pinapasadahan ng tingin ang paligid. Napatitig lang ako sa Bar Tender. Busy sila sa bar counter na napakahaba. Cool..
"uh? Yeah.." ngumiti ako ng ibalik ko ang tingin ko kay Bessy.
"bunso, nagustuhan mo ba dito!?" pasigaw na sinabi ni ate. Since maingay talaga ang paligid. Di na magkarinigan..
"syempre naman. Ansarap maghang out dito.."sabi ko ng may ngiti sa labi. Hinawi ko ang buhok ko dahil nababa yung bangs.
"mamaya sasayaw tayo dun sa stage.."pahabol ni ate..
"Boy hunting? Do you mean it?"untag ko. Nawala na si Harold paningin namin. Hayaan na magtetext nalang raw siya mamaya.
"Yeah!"sabay nilang sinabi ni Bessy..
Uminom pa kami doon. Sumubok ako ng Tequilla. At nagustuhan ko naman ang lasa.. Nakalimang shot glass yata ako. Medyo tipsy na sa dami ng naiinom.
Nag CR muna kami ni Ate at iniwan si Bessy since hindi naman daw siya naiihi o ano. Nagretouch kami ni Ate pagkatapos umihi at lumabas na ulit.
Pagkaupo namin napaindak kami sa tugtog dahil lively. Tumigil lang ako para uminom ulit ng alak. Margarita naman ngayon. Kahit kelan talaga ang lakas ko uminom..
Nag vape ako pagkatapos. Ito yung binili ko nung isang araw sa Mall. 3k ang per liter ..
Sulit naman kaya ayos lang.. Strawberry flavor pinili ko. Favorite ko kasi..
"Patry nga niyan bunso!"inabot ko naman kay ate at ginamit niya.
Uminom pa ko ulit. Mga 9pm na. Mag teten pm na rin siguro. At mas dumami pa ang tao.
May umupo sa tabi ko. Diko kilala eh. Inakbayan ba naman ako. Hinayaan ko nalang ngayon lang naman..
"Hi.. You look tipsy.. Di paba kayo uuwi? Delikado na rito.."paglingon ko napakurap kurap ako ng mata. WTF?! Seriously?!
"Uh? Vincent!"ngumiti ako. Kahit halatang lungingi na at pungay na pungay ang mata ko. May kasama daw siya. Boyfriend yata o girlfriend. Pero shock lalaki ang kasama niya pero. Ayokong ijudge ah. Pero natural na sakin yun. Atleast loyal parin siya. Mahilig pa naman talaga ko sa mga bakla pero hindi siya bakla. Yung kasama niya lang. Pero guys don't judge. Nagmamahal lang..
Nagpaalam na rin sila after an hour. Nailang ako baka kasi awayin ako nung kasama niya pero siyempre hindi naman nangyari. Then? Pinakilala ko kina ate. Napogian. Since Sikat ang Boy Next Door ay kilala naman talaga.
Bihira ang hindi..
Hindi niya naman daw kasama ang ibang member. May ex ako sakanila. Yung lider pero hindi ko na matandaan kung panong naging kami. Basta natatandaan ko lang na isa siya sa ex ko.
May ibang banda ang tumugtog. Natahimik ako sa tugtog.
Ako'y Inlab Sayo Mahal ko ang Title. Hindi ko akalain na may tatangkilik ng kantang ginawa ko.
" hi, magandang gabi salahat. Kami nga pala ang Ocean Music Band. I am Bryan Meneses and a lead vocalist of this band... Now we are going to perform .."
Ngumiti siya. Andito pala ang tukmol na to. At akalain mong Lead Vocalist din pala. Kaya naman pala sikat. May mga babaeng nganga at natili nung ngumiti si Bryan. Pogi talaga. Pero hindi ko crush..
"Sa isang mundong puno
Ng misteryo
Nakilala ko ang isang tulad mo
Nung una'y parang laro
lang
Di makapaniwalang
Tayo'y pinagtagpo
Anong klaseng pagtatagpo
Ito?" natahimik din sila ate. Ipinilig ko ang ulo ko sa sofa .. Inaantok na yata ako. Patay..
"Nagkakilala sa mundo ng
Teknolohiya
Aking puso'y nabihag mo
Diko akalaing magkakaganto
Pagtingin ko sayo'y
Magbabago
Na para bang nanaginip
Ako.."napapikit na ko.
May minahal na ba ako?
"Ako'y Inlab sayo Mahal ko
Ako'y Inlab sayo mahal ko
Ako'y.....
Inlab....
Sayo.....
Mahal ko...
Totoo...
Walang ibang nais
Makapiling kundi ang
Isang tulad mo.
Kayakap ko sa tuwina
Iniisip ko oras oras
Halik at haplos ng kamay mo
Mahal ko
Ikaw lang ang hanap
Ng isang tulad ko...
Ako'y Inlab Sayo Mahal ko...
Inlab ako sayo...
Mahal...
Mahal na mahal kita...
Mahal na mahal kita..."ang ganda ng boses niya. Kahit malamig napakasarap pakinggan..
"Wala akong ibang hiniling
Kundi ang makita at makasama
Ka sa tunay na buhay.
Kahit pa nagkakilala lang
Tayo sa teknolohiya
Tagos sa puso ko at
Puso mo ang pagmamahalang
Nabuo.
Wag na wag kang lalayo
Pagkat hindi ko kakayanin
Mahal na mahal kita...
Mahal na mahal kita..."napakalamig talaga ng boses at napakasarap pakinggan.
"Ikaw at ako
Harapin natin ang bukas
Ng magkasama
Hawak ang kamay ng
Isa't isa
Higpit ng yakap
Ang taga pag ugnay satin
Walang bibitaw satin
Lahat haharapin ng
Magkasama
Ako'y masaya sayo
Pagkat puso ko'y nabihag mo
Nabihag mo..
Ooohhh...
Yeah...yeahh..." hindi ko mapigilang sabayan ang nakanta. Nakakadala kasi siya.
Ilang beses rin siya kumanta. Napuno ng hiyawan at palakpakan ang buong Bar. Pagkatapos nun umalis na sila doon. At dinaluhan ang mga kakilala nila.
Nagkaingay ulit at nagbalik stage ang mga nagsasayaw. Di ko akalain na may talento rin si Bryan.
"may assignment kana,Hershey?"sabi ng kaklase ko. Tumango lang ako at nagsimula ng magdiscuss ang prof. sa Economics. May naupo naman sa tabi ko. Nakita ko si Vincent. Nginitian niya lang ako at ibinalik ko ang tingin ko sa Board.
Buong period nakafocus ako kay Mam. Pero nadidistract ako sa titig ni Vincent. Omygosh..
"Okay class! Pass your assignment. Dismiss"inabot ko kay Mam ang Assignment kong nakalagay sa Yellowpad at nagsimulang ayusin ang aking gamit. Lumabas na ko para sa Next Class.
Sinabayan naman ako ni Vincent. Bakit kaya?
"Hershey, Classmate tayo. Pwede bang sayo nalang ako tumabi lagi? Kung okay lang.."ngumiti ako at tumungo. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Tsk! Nakakahiya. Sikat pa naman tong Vicenteng to.
May mga nakasalubong at nadaanan kaming halos abot langit ang ngiti ng masilayan si Vincent. Kinikilig sila sa kakisigang taglay idagdag mo pa ang pagiging palangiti nitong kasama ko.
Nakaplastered na sa muka ang malambing na ngiti. Nakasuot siya ng glasses ngayon pero pogi parin.. Napapailing nalang ako. May mga nakangiting bumabati sakanya ng 'Hi at Hello' pinapansin niya naman.
Suplado to noon ah? Biglang nagbago. Cool.
Pumasok kami sa Accounting 102 at siya nanaman ang katabi ko.
Ang swerte ko sa teacher. Lahat mababait. Sana ganito nalang lagi para di ako madistract.
"magkaibigan na tayo a?"untag niya habang nakatitig sa harapan kung saan naglelecture ang prof. Ngumiti ako at umoo sakanya.
Natapos ang klase ng isa at kalahating oras lang. Maaga ang uwian ko every monday kaya nakasama pa ko kay Vincent gumala sa kabuuan ng school. Tumambay kami sa Botanical garden at kumain sa may bridges ng lake.
"Matagal na pala tayong nagkikita akalain mo kung kelan tayo nag thirdyear saka pa tayo naging close."panimula niya ngumiti ako bago sumagot. Hala. Baka nagmumuka nakong may tililing kakangiti.
"Kaya nga. Pero okay lang yun. Ganun naman talaga.."sabi ko at kumain ng Footlong na binili namin..
"Absolutely.."nagkangitian kami.
"bakit kaya kayong mga lalaki ang hilig niyo magsuplado? Pero ikaw kahit suplado ka, Gentleman ka naman.."sabi ko ng natatawa. Totoo naman. Mas marami ang lalaking suplado kumpara sa babaeng suplada..
"Depende sa tao yun. Sa mood nila.."sabi niya tumango tango naman ako. At ginulo niya ang buhok ko. Napasimangot tuloy ako. Pitikin ko nga ang ilong..
"Ouch!" reklamo niya.
"Hala! Napalakas ata. Sorry..."hinawakan ko naman ang ilong niya saktong hawak niya kaya nagkawakan kami ng kamay..
Omygad. Baka patayin ako ng ano niya.. Napatitig ako sa kabuuan ng muka niya. Ang mata at ilong niya pababa sa labi..
We stuck in a moment.. Napatitig rin siya sakin. 3inch away ang muka namin..
May kumalabog na libro sa may likuran ko kaya napa ayos kami ng upo.
Halos magmura ako sa utak ko. s**t naman!
"Naabala ko ba kayo? Sorry.."sabi ng pamilyar na boses. Oh!
No...
Bumagal ang pagtibok ng puso ko huminto ang paghinga ko. Para akong napako sa kinatatayuan namin. Hanggang sa bumilis ang kabog ng dibdib ko at mapalitan ng kaba. Its him..
Naguilty ako bigla.
WHAT?! G-Guilty?! Ano bang pinagsasabi ko. Sa isip ko halos kalbuhin ko na ang sarili ko sa mga oras na yun.
"Yeah.. Medyo nakaistorbo ka nga.." tugon ni Vincent. My jaw clenched..
Literal na napanganga ako. Omygad. No way!
Kinalabog ang puso ko. Pati sistema ko. Nagwawala. Di ko alam kung kikiligin ako o kakabahan.
Justine v.s Vincent
Tapos nasa iisang Banda pa sila. Oh no!
"Really?"sagot ni Justine habang nakakurba ang labi pataas. Sh*t! He's getting pissed .. Bakit?
"Yeah.."nag ngising aso si Vincent. Ngayon lang to nangyari! Madalas kasi silang close.. Kung titingnan mo parang may kuryente sa pagitan nila. Pumagitna ako ..
"Stop! Mukang kailangan ko ng umuwi.. Vincent salamat.. Uwi na ko ah?"sabi ko ng nakangiti. Lalakad na sana ako paalis ng akalain mo ba namang pareho nila kong hinawakan sa palapulsuhan pa.
Halos mapatalon ako sa gulat ko. Dahan dahan akong tumingin sa kanan at kaliwa at nakita kong nakasimangot sila pareho at nakaserious mode.
Omy! I'm dead.. Sana may dumating sana may dumating..
"Anong meron rito?"nakarinig ako ng Pamilyar na boses. Huta! Bakit si Bryan pa?! Omygad.. Yari ako. Wag sana siyang maki aso..
"WALA!"sabay na sabi ni Justine at Vincent in chorus pa. Napasimangot ako ng makita kong pareho silang naka death glare..
Disaster.
"Lika na, Hershey ako na maghahatid sayo pauwi.." hinawakan ni Bryan ang balikat ko. At At At....maiiyak na ata ako tas pakiramdam ko maiihi na ko. Nakakatense...
Ang sama na ng tinginan ng tatlo. Muka na ba akong lilitsunin ngayon? WAAAA!
"Set her free. "ani Bryan gamit ang ma-Authoridad na boses ..
"NO!"dugtong ng dalawa..
Saktong dating naman ni Mark. At akalain mo ba namang imbis na umawat ay hindi gumawa. Tumawa ng tumawa ang gago..Naiinis lang ako lalo sakanila. Mga pasaway. Ang lalaki na parang mga bata.
Hindi ko na namalayan o natandaan kung paano ako nakaalis doon. Tsk!