Still handsome
Naglalakad ako papuntang ULS. Wala kaming klase ngayong umaga kaya naisipan ko munang manood ng Basketball game.
Nakita ko agad sila insan Harold kasama niya sila Drey, Vincent at Justine. Saktong dating rin ni Mark. May practice daw sila. Edi sila na nga. Matalino na,talented pa. Magaling pang magbasketball.
Kasali rin sila sa Varsity ng school. Kaya pala nagkakandarapa sakanila ang mga babae rito. Panay sulyap sakanila. Nung nakita ako ni Harold kinawayan niya naman ako. Napangiti nalang ako napawi lang nang titigan ako ng mga kasama niya. Nag Hi sakin si Mark. Nginitian ko lang siya. Naupo na ko sa may unang row sa bleachers at pinanood silang mag warm up.
Nag follow up sila. Nauna si Drey .. Drey is handsome but Justine is handsome too. Hotter than his teammates..
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang laro. First game palang bigay todo na ang team nila Justine.
Si Vincent ang shooter silang dalawa ni Justine.
Si Harold ang sa Rebound. Kung sa pabilisan lang din naman ay si Drey na. Hindi makaporma ang kalaban sakanila. Lalo na kapag si Justine ang lumaro. He's the ace player. Magaling rin ang couch nila sa pag tuturo kung ano ang dapat nilang gawin.
Magaling si Mark dahil kaya niyang magshoot kahit maraming nakabantay. Magaling ang team nila dumipensa. Parang Shohoku lang.
"Pass break! Baba kayo.."utos ni Justine at ginawa naman ng mga kasamahan niya.
Ipinasa niya kay Mark ang vola at shinoot naman agad ni Mark. Kaya sakanila ang puntos ..
Kapag nasa kabila na ang bola mabilis naagaw ni Drey. Nang di man lang namamalayan ng may hawak.
"Depensa!"tinaas ni Harold ang hintuturo niya para imuwestra kay Drey na ipasa sakanya.
Agad itong ipinasa ni Drey kay Harold at si insan ang nagshoot. Pasok sa 3points..
'Whoooh! Go Harold mylove!'
'Go! Go! Drey! Go Go Go! Boys'
'Whooooh! Ang galing niyo!'
Di magkamayaw ang mga tao sa loob ng gym sa sobrang paghanga sa team nila Harold ..
Nakakapoints ang kabila pero wala sa kalahati ng score nila Justine. Pawisan na sila at ang iba halatang pagod na. Nakadalawang time out ang Couch para makapagpahinga sila.
Inabutan ko ng tubig ang pinsan ko at hinablot naman iyon ni Justine. What the?
"Salamat ."ngising aso siya nung makuha niya at walang patumpik tumpik na nilagok iyon. Sumimangot ako ...
"akin yan pre eh.."reklamo ng pinsan ko.
"may nakita kabang pangalan mo? Akin na to. Kumuha ka nalang ng sayo dun!"natatawang saad niya kay Harold. Napakamot nalang sa batok ang pinsan ko. Umalis iyon para kumuha ng tubig sa katabing mesa ni Drey.
"Nice game ba? Para sayo yun."biglang sabi niya nang makaalis ang pinsan ko.
Ngumiti nalang ako ng tipid. Lumapit samin si Vincent at akmang yayakapin ako. Pero umilag ako. Basang basa kaya siya ng pawis ...
"Sorry.."sabi nito ng natatawa.
"Baliw haha!"
"Sabay na tayo papasok. Magsashower na ko. May klase pa tayo e. Magpapapalit nalang ako kay Nico. Tara!"nagnod ako at hinawakan niya ang bewang ko ng tanggalin yon ni Justine. Napatingin kaming lahat sakanya. Pati ang ibang tao sa gym. Tatanggalin ko na yun dapat naunahan niya lang ako.
"Don't touch her."aniya. Nagsalubong ang kilay niya at literal na kumunot ang noo nito. Nag ngitngit ang ngipin niyang pantay pantay. Pumagitna agad si Mark at pinaalis na kami. Nakita ko ang galit na Justine ng magtapon ako ng tingin bago tuluyang umalis ..
Ano bang problema nun?
"tsk! Pakielamero talaga 'yon. Tara na nga! Saglit lang maliligo ako. Hintayin mo nalang ako sa labas. Mabilis lang to."saad ni Vincent. Tumango lang ako at pinanood ang mga taong nadaan.
Nagtipa ako sa cellphone ko para itext si Ate Joyce.
"ate! I miss you..."wala pang ilang minuto ay nagreply na siya ..
"I miss you too. Kamusta?bunso."
"ayos lang ako ate . May sasabihin ako. Alam mo ba si Justine? Nagalit. Hinawakan kasi ni Vincent ang beywang ko dahil aalis na sana kami papuntang shower room since magkaklase kami at lagi naman kaming sabay napasok. Ang kinalabasan ayun! Muntik nanaman magkainitan."
"really? Tsk. Tsk. Yang Jhustine na yan talaga. Buti at di nagpang abot?"
"oo. Pumagitna kasi agad si Mark. Buti nalang talaga."
"hayy naku. Kabataan nga naman nowadays. Mag iingat ka ah.."
"Oo naman. Sige na ate. Papasok na kami. Ingat."nakita ko kasi sa gilid ng mata ko ang paglabas ni Vincent. Nakauniform na siya at nagsimula na kaming maglakad palabas ng ULS papuntang CBA Building.
"Lets go?"tumango ako at sinabayan siyang maglakad. Maraming tao kaming nakakasalubong at nakakasabay. Panay sila chismisan. Badtrip! Sirang sira na ko dito.
"Kambal? Busy ka nanaman?! Grabe naman yang course mo. Ganyan ba talaga wala ng tulugan? Ayoko na pala mag Business."saad ni Abi. Nandito nanaman kasi siya sa condo ko. Friday kasi ngayon.
Hindi niya kasama si Lorraine. Busy ang luka luka. Kaya itong si Abi lang ang nangungulit sakin.
Panay ang daldal niya. Habang ako tahimik lang. Nagawa kasi ako ng Marketing Proposal. Matrabaho to kaya todo effort ako. Lalo na malapit na ang Midterm Exam.
"hoy! Pansinin mo naman ako!"reklamo niya. Pero nanahimik parin ako.
Buti nalang at bumisita si Leah. Silang dalawa ang nag usap.
Hayy. Nakakapagod naman. Inaantok na ko. 4pm na eh.
Sa sobrang pagod ko di ko na namalayan na nakatulog na ko.
"iniiwasan mo ba ko?"panay ang sunod niya sakin. Naiinis parin ako sa inasal niya. Maling mali naman kasi yung ginawa niya ..
He kissed me in front of everyone. Ano nalang iisipin ng mga tao?
na malandi ako? Oh god.
"sorry na moo. Please .."paakyat na kami ngayon ng second floor ..
"moo..moo naman."panay parin ang sunod niya. May mga tao pang parang bubuyog kung makabulong. Nakakainis.
"hey mooo .."ni hindi ko man lang siya tinatapunan ng tingin.
Naiinis kasi talaga ako. He kissed me! Wala na kami. Matagal na. Akala ko ba bestfriend?
Tanggap na tanggap ko na e. Simula nung maghiwalay kami. Pero bakit ganito?
Napatulala ako ng may bumunggo sakin. Nasa hagdan pa naman kami.
Napapikit ako. Akala ko mahuhulog na ko ..
1..
2....
3....
4......
Bakit hindi naman ako nasaktan?
Napamulat ako ng maramdaman ko na yung kamay na nakayakap sakin.
Niyakap ako ni Justine! Kaya pala hindi ako nasaktan.
'Sorry! Sorry! Di ko sadya!'
Sabi ng babaeng nakabunggo sakin. At saka yumuko. Pinaalis na siya ni Justine.
Natrauma ako. Kaya ni hindi ako makapagsalita. Siguro kung nahulog ako baka nalumpo na ko. O di kaya nabagok ang ulo ko. Medyo madulas pa naman ang floor ngayon dahil kagagaling lang sa ulan.
"are you okay?"nagnod lang ako. Hindi ako makapagsalita. Walang nalabas sa bibig ko. I was shocked.
"Buti nalang nasa tabi mo ko.."kinalas niya ang pagkakayakap niya sakin. Ngumiti siya sakin. Napatitig lang ako sa mga mata niya.
Yung mga mata niyang walang ibang nakikita kundi ako. Walang ibang hinahanap kundi ako.
Napapikit ako saglit at naglakad na ulit. Sinusundan niya parin ako.
Ano bang nawala sakin? Bakit pakiramdam ko nawala sakin lahat?
Palagi kong nararamdaman na para bang patay na ko.
Pakiramdam ko hindi ko katawan to. Na hiniram ko lang to. Dahil ba yun sa pagkawala ng alaala ko?
Naging manhid na rin ako.. Simula ng pasukan hindi na ko nakikipagfling dahil busy na rin kasi.
"I'm only one call away. I'll be there to save the day. Superman got nothing on me. I'm only one call away."kumakanta siya kaya napapalingon yung mga estudyante samin. Yung iba kinikilig. Badtrip! Andami nanamang magkakagusto sakanya!
Di ko na namalayan na. Pumasok kami sa isa sa mga room doon. Vaccant kami ngayon at tamang tama na sa mismong room kami napadpad. Hindi ko na kasi natingnan.
"Ano bang gusto mong mangyari?!"pagalit kong tugon ng makapasok kami sa loob.
"nothing.."he shrugged.
"Really?"suminghap ako. Hiningal ako dun sa ginawa kong panghihila sakanya.
"I want you back.."my jaw dropped. Nanlaki ang mata ko. Medyo malakas kasi ang pagkakasabi niya.
"what d-do you mean by that?"nangatog ang tuhod ko. Di ko alam kung bakit? Bigla nalang rin ako kinabahan. Yung pakiramdam na parang lalagutan ka ng hininga. Idagdag mo pa ang mga kabayong tumatakbo sa kaibuturan ko. Sheez.
What the hell happened?
"moo, I want to court you.."sincere at seryoso ang itsura niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Hindi ako court moo."literal na napaawang ang bibig niya at humagalpak siya ng tawa. Wrong move! Naging slow nanaman ako.. Nakakahiya!
"WALANGHIYAA! WAAAAH! AYOKO NA NGAAA.. WAAAAA!"napaiyak ako sa sobrang hiya. Nakakainis. Pinapahiya nanaman ako ng animal na to. :
Humalukipkip ako. Habang panay parin ang tawa niya. Lintek!
Napahilamos nalang ako sa muka gamit ang palad ko.
Lumapit siya sakin at hinawakan ang magkabilang muka ko.
Hindi ko alam kung tatanggapin ko. Magtatanong muna ko kina ate, kambal at bessy.
"bawal magtanong. Basta manliligaw ako. Bawal tumanggi. I accept that sign as a YES."siguro ang tinutukoy niya ay ang pananahimik ko.
Mabilis na kumabog ang dibdib ko. Halo halong kaba at saya ang nararamdaman ko.
"tara magbake ng cake.."saad ni Ate. Nandito kasi siya ngayon sa Condo ko. Dahil sembreak na magpapahinga daw muna siya at dito muna siya tutuloy. Dahil miss na miss na namin ang pagbobonding.
"Sige ba.."nagbake kami ni Ate. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya. Ang ganda ng ate ko. Mabait at sweet. Masungit at mataray sa ibang tao. Madami kaming similarities kaya nagkakasundo kami ..
Si Ate Joyce yung isa sa mga babaeng mahal ko at gusto kong ingatan at protektahan. Kahit di kami magkadugo at isa siyang 'Real' at 'Mendoza' naman ako.
Dinaig pa namin ang tunay na magkadugo. Siguro nga magkapatid kami sa past life namin.
"Bunso paabot naman niyang hawak mo. Isasalin ko na yung dough."nagnod ako at inabot sakanya ang tupperwear.
Nagbake siya ng Choco Strawberry Cake. Ansarap. Naparami nga ang kain ko lalo na favorite ko ang pinagsama niya.
"It taste good. Anasarap sobra!"maligaya kong tugon. Panay ang ngiti ko ng pagkalapad lapad kulang nalang mapunit na ang labi ko.
Lord, thankyou. Binigyan mo ko ng instant ate. Wala kasi akong ate e. Kaya sabik na sabik ako magkaroon.
"Magsashopping kaba mamaya o mag gogrocery?"tanong niya. Nanunuod kasi kami ngayon ng movie.
"Ahm. Mag gogrocery nalang ate! Kasi ubos na stock ko. Hahaha."tumikhim siya sa kape niya. At saka ngumiti.
Yehey! Magiging masaya to. Sigurado.
"Ate kukuha lang ako ng de lata dun. Wait mo ko dito ah. Mamaya na ko bibili ng mga ulam."nagnod siya at mabilis akong nagpunta sa stool na may mga Canned goods ..
Kumuha ako ng San Marino Corned tuna, Corned beef, maling at meat loaf. Binalikan ko si Ate. Dumaan muna ko sa may stool na puro fit 'n right. Favorite ko kasi to.
Nagpeplay naman ang kantang isinulat ko na ginawan niya ng tono. Ang title noon ay Kung Maibabalik ko lang ang Nakaraan. Nagpaalam naman siya sakin noon na gagamitin niya ang mga obra ko. At pumayag ako doon. Kaya ang bandang 'Boy Next Door' ang nakanta. Si Justine ang kumakanta. Ang galing niya. Nakakainlove talaga yung boses niya lalo na kapag nakanta.
Intro:
"Pilit kong iniintindi
Ang lahat ng kaganapan
satin sa kasalukuyan
mga bagay na wasak na
pero pilit binubuo
sa pag aakalang
may pag asa pa
patuloy na nangangarap
Kahit walang kasiguraduhan
mga pangarap na sabay nating gustong
maabot
Saya at lungkot
Sa tuwing kasama ka
tila'y ilusyon nalamang
dahil sayong paglayo
Araw at gabi kitang
Inaalala
Kahit alam kong huli na..
Dahil wala kana...
Chorus:
Kung maibabalik ko lang
Ang nakaraan
Hinding hindi ko hahayaang ika'y mawalay
Kung maibabalik ko lang ang nakaraan
Hinding hindi ko hahayaang ika'y lumuha at
Masaktan
Kung maibabalik ko lang ang nakaraan
Hinding hindi sisirain ang iyong tiwala
Sana'y mapagbigyan pa
Pusong nagsusumamo
At umaasang ika'y babalik pa
(Repeat 2x except the last stanza)
Bridge:
Patawarin sana ako
Sa'king pagkakamali
Di sinasadyang ika'y palayain at hayaang mawala
Mahal, kung sakaling
Ikaw ay magbalik
Naudlot na pagmamahalan
Muling itutuloy
Magkasamang haharapin ang bukas kasama mo
At hindi na hahayaang
Tayo'y muling magkalayo
Sana'y mapagbigyan
Aking munting hiling
Tala sana'y ako'y iyong dinggin..."hindi ko akalaing mapapaganda niya at makukuha niya ang tono na gusto ko. Napakatalentado talaga nito. At nakakakilig ang boses. Kaya naghihiyawan nanaman ang mga tao sa tuwa.
Repeat Chorus..
"Ano bunso? Okay na ba lahat? Tara na?"tumungo ako. At naglakad na kami para magbayad sa counter. Napapangiti nalang ako kasi nakikita ko sa lahat ng tao rito sa Grocery ang pagkamahangha sa boses ng gwapong iyon.
Kahit matanda napapangiti niya. Kakaiba talaga.