CHLOE'S POV Nag-aya si Lance na mag dinner daw ang tropa sa bahay niya, kaya nandito kami ngayon, celebrate narin daw nang pag join ni Tristan sa grupo. Naupo kami ni Brantly ko sa mahabang sofa ni Lance at laking gulat namin na may dugo doon. "Ew! Ano yan dugo?! Tumayo ka diyan babe at baka mag ka manstya yang damit mo," sabi ko kay Brantly. "Eh, mukhang tuyo naman na ito eh," sagot ni Brantly at talagang hinawakan pa niya iyon. "Pareng, Lance anong nangyare dito sa sofa at may mga dugo dito?" Pag tatanong ni Brantly kay Lance na bigla namang napalaki ang mga mata niya. "Ah, eh, ano kasi, nagas-gasan yung balat ko nung nasangga ako sa pader kahapon, ayun, natuluan siguro ng dugo yang sofa ko," sagot ni Lance na may pautal-utal pa. "Itong mag syota nato, paupo-upo lang, hindi manlan

