------- ***Athena’s POV*** - “Pitumpung porsyento ng shares sa Titan’s ay napupunta sa iyo, at tatlumpung porsyento naman ang sa kapatid mo, ang anak ni Ms. Eurie. Mas malaki ang share mo dahil kasama dito ang share ng asawa mong si Kiero,” paliwanag ni Atty. Villa Rosa habang nakaupo kami sa loob ng kanyang opisina. Kalma at propesyonal ang kanyang tono, pero mabigat ang dating ng kanyang mga sinabi. Ngayon na nalaman ko na mayroon akong kapatid—ang anak ni Ms. Eurie—oras na para malaman ko ang tungkol sa lahat ng mga ari-arian at kayamanan na iniwan ng lolo ko, si Lolo Faculdo. Hahatiin ito sa amin ni Dafo dahil kami lang ang tanging lehitimong mga apo. Kumpirmado na ang hinala dahil sa DNA test—si Dafo nga ay tunay kong kapatid, anak ni Ms. Eurie. Gayunpaman, hindi pa maaaring magp

