The identity of her Savior!

1887 Words
------- ***Athena’s POV*** - “How are you, Athena? How’s your study?” tanong sa akin ni Don Faculdo, pinuntahan nya ako sa school ko. Nandito kami sa isang 5- star na restaurant para kumain ng lunch. “Okay naman po lolo. Medyo nahihirapan po pero kakayanin naman.” Matipid akong ngumiti sa kanya. Nahihiya kasi ako sa kanya. Pag pumupunta s’ya sa bahay para bisitahin kami, bigla na lang maging mabait na parang maamong tupa ang pamilya ko sa akin. Pantay kasi ang trato n’ya sa aming mga apo n’ya. At malaki ang respeto ng mga magulang ko sa kanya. Pag nandyan s’ya, pakiramdam ko, takot na takot ang mga magulang ko na baka magkamali sila. Gusto ko talaga pag nandyan s’ya kahit pa estrikto sya at nakakatakot minsan ang awra nya, ramdam ko kasi na pinahalagahan n’ya ako. Kaya lang minsan ko lang s’yang nakikita, ang huli nga namin pagkikita ay tatlong buwan na ang nakakalipas. "Is that why you're not feeling quite yourself today? It seems like you might be a bit down or not really in the mood. Is there something bothering you?” tanong ni lolo pagkatapos nyang punasan ng table napkin ang ibaba bahagi ng bibig nya. Ramdam ko ang pagkaalala sa tinig nya. “Pagod lang po ako ngayon, lolo. Malapit na kasi ang midterm namin.” Hindi naman dahil pagod ako sa pag- aaral kaya matamlay ako. May ibang dahilan pa talaga kaya ako matamlay. Narinig ko kasi na sinabi ni Airah sa mga magulang namin na magpapakasal na silang dalawa ni Kiero. Hinihintay lang daw ni Kiero ang grumadwet s’ya sa taon ito. Limang taon na mas matanda si Kiero kaysa kay Airah. Kiero is just 26 years old pero CEO na ito ng sariling business nito. Hindi ito umasa lang sa yaman ng pamilya nito. Napaka- swerte ni Airah kay Kiero. Lahat ng swerte ay nasa kay Airah na samantalang ako---- hindi ko na nga masasabi na mahal ako ng pamilya ko, hindi pa ako mahal ng lalaking mahal ko. Minsan nga, hindi ko mapigilan ang isipin na hilingin ko nalang kay lolo na isama na nya ako. Pero ano naman ang idadahilan ko, hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na para naman akong outcast sa amin kaya sasama na ako sa kanya. Baka pag gagawin ko ito, mas lalo lang lumayo ang loob ng mga magulang at mga kapatid ko sa akin. Kaya hindi ko ito pwedeng hilingin kay lolo. “I know you can do it, Athena. Always remember that the blood of a true Velasquez runs in your veins. Sayo lang.” Nabalik ang pokus ko kay lolo. Isang matipid na ngiti lang ang itinugon ko sa sinabi n’ya kaya hindi ko naman masyadong naintindihan ang sinasabi n’ya. “Kumusta ang mga magulang mo? Wala ka bang problema sa kanila?” Sa tuwing magkikita kaming dalawa, lagi n’ya itong itinatanong sa akin. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan nya akong tanungin ng ganito. “Wala naman po akong problema sa kanila lolo. Mahal na mahal po nila ako. Pantay po yong pagmamahal nila sa amin ng mga anak nila. Meron pa ngang pagkakataon na pakiramdam ko lagi silang pabor sa akin, ako daw kasi ang bunso nila.” Napakasarap sana kung totoo ito, pero nagsisinunggaling lang naman ako. Baka isumbong pa nya ako sa mga magulang ko at isipin ng mga ito na sinisiraan ko ang mga ito kay lolo. Kahit naman hindi maganda ang trato nina mommy at daddy sa akin pero mahal na mahal ko pa rin sila. Ayaw kong siraan sila sa kahit sino. "I’m really glad to hear that. You should always remember to be grateful to them because they’ve made countless sacrifices for you. They’ve done so much to ensure your well-being, and you wouldn’t be where you are today without their efforts. Never take that for granted." “Oo nga lolo. I am so lucky that they are my parents po.” Ngumiti na naman ako. Pilit itinatago ang totoo sa ngiti ko. Pero lucky nga ba ako? Kung pagdating naman sa financial na pangangailangan, ibinigay naman sa akin ng parents ko ang mga iyon. Minsan, sobrang- sobra pa nga. Yong atensyon at pagmamahal lang talaga mula sa kanila ang kulang, at iyon ang gustong- gusto ko. Nagpatuloy na kami sa pagkain ni lolo, marami din kaming pinag- uusapan, at halos lahat ay tungkol sa pag- aaral ko. Pagkatapos namin kumain ni lolo, inihatid nya ako muli sa school ko. May klase pa kasi ako. Hindi pa nagsisimula ang klase ko kaya tumambay muna ako dito sa school park, nasa medyo tago na bahagi ako dahil ayaw kong madistorbo sa pagbabasa ko ng libro ko. May exam ako sa next subject ko at nagre- review lang ako. Pero napahinto ako sa pagbabasa nang nakita ko si Airah, may kasama itong lalaki na hindi ako nagkamali, ay ang ex- boyfriend nito. Halos dalawang taon din itong boyfriend ni Airah, nagkahiway ang dalawa at pagkatapos lang ng tatlong buwan, may ipinakilala na naman si Airah na boyfriend n’ya na walang iba kundi si Kiero. Sa pagkakaalam ko, nagkakilala sina Kiero at Airah sa isang party na dinaluhan nila pareho. At love at first time, iyan daw ang naramdaman ni Kiero para kay Airah. Hindi ko mapigilan ang mga mata ko na sundan ng tingin sina Airah at Jordan, ito ang pangalan ng ex- boyfriend ni Airah. Papunta sila sa tagong bahagi, pero mula dito sa kinauupuan ko ay kitang- kita ko pa rin sila. Ano kaya ang gagawin nilang dalawa? May mahalaga kaya silang pag- uusapan? Pero ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang hindi naman nag- uusap ang dalawa, kundi naghahalikan. Napanganga akong napatingin sa kanila. Pero mayamaya, inalis ko din ang mga mata sa kanila nang tumigil sila sa paghahalikan. Nagkukunwari ako na hindi sila nakita nang napadaan sila sa bungad ko. Mukhang hindi naman nila ako napapansin. “I see you later.” Ani ni Jordan kay Airah. “Pagkatapos ng klasi ko, pupuntahan kita.” Narinig ko naman na sabi ni Airah. Hindi ko alam kung ano ang maramdaman ko. My sister is cheated on Kiero. Bakit nya ito nagawa? Napakabait na boyfriend ni Kiero. Mahal na mahal Kiero si Airah pero bakit nagawang magtaksil ni Airah sa relasyon nila ni Kiero? Nasaktan ako. Nasasaktan ako para kay Kiero. Hindi deserve ni Kiero ang ginawa ni Airah dito. Hindi deserve ni Kiero ang lokohin ng kapatid ko. Naramdaman ko ang pamamasa ng mga bata ko. Naiiyak ako sa ginawa ni Airah kay Kiero. Naninikip ang dibdib ko. Si Kiero na pinapangarap ko ay niloloko lang ng kapatid ko. Kiero is almost perfect. Kung sa physical na aspeto lang ang pag- uusapan, halos perpekto na ito. Masyado itong good looking na wala akong makitang maipintas, matangkad at may magandang pangangatawan. Walang- wala si Jordan kompara dito. Higit pa sa kadahilanan na isang bilyonaryo si Kiero ay mabait din ito. Kaya hindi ko lubos maisip na magawa ng kapatid ko na magtaksil sa relasyon nilang dalawa ni Kiero. ---- Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala- wala sa isip ko ang nakita ko kanina na ginawang kataksilan ni Airah kay Kiero. Hahayaan ko nalang ba ang ginawa ng kapatid ko sa boyfriend nya. Kanino ba ako dapat kumampi? Sa kapatid ko o kay Kiero? Kalalabas ko lang sa labas ng main gate ng paaralan, kailangan ko pang maglakad papunta sa sakayan ng taxi. “Athena!” Napahinto ako sa paglalakad nang narinig ang boses na pamilyar sa akin. Napatingin ako sa nagsasalita at si Kiero ang nakita ko. Malapad ang ngiti nya sa akin. Hindi naman kami close pero pinapansin naman nya ako. Sinadya ko talagang umiwas sa kanya dahil sa ayaw kong mas lalo pa akong masaktan. Natatakot din ako baka mahalata na nila na may pagtingin ako sa kanya at pag- iisipan pa nila ako ng masama. “K- Kiero!” Ang lakas ng t*bok ng puso ko, hindi dahil sa may gusto ako sa kanya, kundi dahil sa nakita ko kanina. Natatakot ako. Pakiramdam ko may kasalanan din ako sa kanya dahil sa hindi ko alam kung kailangan ko bang sabihin sa kanya ang nakita ko. May karapatan ba akong manghimasok sa relasyon nilang dalawa ni Airah, kahit kapatid ko pa ang huli? Pero kaya ko bang isipin na niloloko lang sya ng kapatid ko? “S- Si Airah ba ang pinuntahan mo dito?” “Oo sana. Kaya lang may practice pala sila ngayon ng cheering squad, at magagabihan daw s’ya.” Napalunok ako. Rinig na rinig ko kasi kanina na pupuntahan ni Airah si Jordan ngayon. Parang maiiyak naman ako. Bakit ba kailangan kong malaman ang panloloko ni Airah kay Kiero? “Nagmamadali ka ba? Samahan mo naman ako sandali. Hindi naman tayo magtatagal, may itatanong lang ako sayo.” --- Hindi ko napigilan at sumama ako kay Kiero. Dinala nya ako sa isang coffee shop at nag- snack lang kami. May pinag- uusapan kami na tungkol kay Airah, may mga itinatanong sya sa akin na tungkol sa mga gusto ni Airah dahil gusto nya daw itong sorpresahin sa monthsarry nila. Hindi ko naman sya masagot- sagot sa ibang bagay kasi hindi ko naman talaga lubos kilala ang kapatid ko. Magkapatid nga siguro kaming dalawa ni Airah pero para naman ay mataas na pader sa pagitan naming dalawa. Hindi kami nagiging close ng kapatid ko. Pumapasok na naman sa isip ko ang nakita ko kanina na kataksilan ni Airah kay Kiero, kaya hindi ko mapigilan at napatitig ako kay Kiero. “Bakit ganyan ka makatitig? May problema ba, Athena?” “P- Paano----Paano kung malaman mong nagtaksil sayo ang kapatid ko?” hindi ko napigilan na tanong, pero tinawanan lang nya ako. “That’s impossible Athena, mahal na mahal ako ni Airah. Si Airah ang klase ng babae na hindi makagawa ng ganyang bagay. Napakabuti nyang babae. I can't almost believe of what she said that she is preserving her v*rginity for the man that she's going to marry. Mas lalo akong humahanga sa kanya dahil dyan." Napaawang ang labi ko. Wala pa bang nangyayari kina Airah at Jordan kung halos doon na matutulog si Jordan sa kwarto ni Airah? Wala naman akong karapatan mag- judge, baka naman wala silang ginagawa ni Jordan. Baka naman natulog lang silang dalawa. Tumitig na naman ako kay Kiero, may iba na naman pumasok sa isip ko at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na itanong sa kanya ito. “Totoo bang may phobia ka sa dagat?” iba ko sa usapan, hindi ko mapigilan tanong. “Oo. Bakit?” “Wala ka bang naalala na iniligtas mo 5 years ago mula sa pagkalunod?” Kunot- noo ito. Tila napaisip. “Bakit? May kilala ka ba na iniligtas ko?” Hindi ako makapagsalita. Sasabihin ko ba sa kanya na iniligtas nya ako limang taon na ang nakakalipas? “Athena—” ngumiti sya. “That’s impossible kasi bata pa lang ako ay may phobia na ako sa dagat, Marunong akong lumangoy pero hindi ako naliligo sa dagat. Pero hindi ko alam kung alam mo, but I have a twin brother, at identical kaming dalawa. Baka ang kakambal ko ang tinutukoy mo.” Aniya na nagpaawang sa labi ko? May kakambal sya? Nagkamali ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD