------- ***Athena's POV*** - Pagdating ko sa dining, nakahanda na ang agahan ko na tulad ng laging nangyayari. Mula nung ikinasal kaming dalawa ni Kiero, hindi ko pa nakakasama ang asawa ko na kumain ng agahan, maliban lang kahapon, dahil nandito si Kairo. Umupo ako at namayani na naman ang katahimikan. Kahit wala akong ganang kumain pero kailangan kong kumain, ayaw kong isipin ni Kiero na sinasayang ko ang mga pagkain sa bahay n’ya. Aminado ako na kahit pa sa madalas na pananakit ni Kiero sa damdamin ko ay para naman akong senyorita sa bahay n’ya. He wouldn’t allow me to help with any of the household chores, and he even forbade me from changing anything inside his house. He once told me that he didn’t give me any rights in this house, even though he bought it for us, because, to him

