When the Answer Deepens the Mystery

2000 Words

----- ***Athena’s POV*** - Malaking ginhawa ang naramdaman ko nang matanggap ni Dafo ang blood transfusion sa tamang oras at ngayon ay nasa mas ligtas na kalagayan na siya. Ngunit kailangan pa niyang manatili sa ospital para sa ilang pagsusuri at upang tuluyang makarekober. Ang mga oras na si Dafo ay nasa bingit ng kamatayan ay tila napakabigat. Hindi lang ito dahil sa nakakalitong posibilidad na kami ay magka-kapatid, kundi dahil mahalaga si Dafo sa akin. Sa nangyari kay Dafo, mas lalo akong nakaramdaman ng pagkamuhi kay Kairo. Hayop na Kairo! Nakapag punla pa siya kay Dafo kahit matagal na pa lang nakatakda ang kasal nya kay Scarlet? Mabuti na lang at ligtas ang baby na nasa sinapupunan ni Dafo at hindi siya tuluyang nakunan. Nakunan na siya noon at ayaw kong maranasan niya muli

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD