-------- ***Athena’s POV*** - “Ate Dafo!” Napatigil ako sa aking ginagawa nang marinig ko ang boses ni Abby. Kasalukuyan akong naglalaba sa likod ng bahay, ngunit agad kong iniwan ang aking ginagawa at nagpunta sa harapan. Sakto namang nakita ko si Dafo na kararating lang. Agad na naglambing dito si Abby at nagpakarga pa. Si Liam naman ay tahimik lang pero masaya din sa pag- uwi ng kinilalang ate. Buong akala ng lahat na nakakilala sa amin dito--- na kapatid ko si Dafo. Pati nga mga anak ko ay ito din ang paniwala.Hindi ko na itinama ang inakala ng mga anak ko, naniniwala ako na may tamang panahon para dito. Sa ngayon—mahirap pang ipaliwanag ang totoo. Linggo na naman, kaya nandito ngayon si Dafo. Si Dafo ay isang working student, at bihira lang namin siyang makasama dahil abala siy

