------- ***Athena’s POV*** - “Kai, hindi mo dapat sinabi kay Dafo ang mga sinabi mo sa kanya kanina. She just had her miscarriage, yet you are so insensitive to her. Do you know how painful it is for us mothers to lose a child, even if it’s still small in the womb?” Hindi ko na napigilan at nasabi ko ito kay Kai. Habang nakikinig ako kanina sa mga sinabi ni Kai tungkol kay Dafo, hindi ko maiwasang masaktan para sa kawawang si Dafo. Alam ko kung gaano kasakit ang makunan, dahil sa nawalan din ako ng anak nang nawala ang isa sa triplets ko sanang mga anak. Hindi makatarungan ang mga sinasabi ni Kai kay Dafo na wala itong kwentang babae dahil hindi napangalagaan ang batang ipinagbubuntis nito. Imbes na damayan n’ya ito, dahil anak nilang dalawa ang nawala, kung anu-anong masasakit na sali

