February 13. Saturday. Sa sobrang inilugmok ko ang sarili sa trabaho dahil maraming shipment ay hindi ko na namalayan na halos magdadalawang buwan na pala simula nang iharap ako ni Silas sa kanyang pamilya. Nag-aayos kami ngayon ng gamit dahil papunta kami ng Batangas upang dumalo sa isang party dahil sa kaarawan ng Tito Lucio ni Silas. “Maayos na ba ang lahat? Wala ka nang nakakalimutan? Baka kasi ma-traffic tayo kaya aagahan natin ang alis.” Nilapitan ako ni Silas. Tinitingnan ko namang mabuti ang gamit ko at tinitingnan kung wala na ba akong nalilimutan. “Okay na!” Nakangiting sabi ko sa kanya. Ngumiti rin sa akin si Silas at binitbit na iyong dala kong bag. Hinabol ko pa siya dahil ako na sana ang magdadala nito ngunit ayaw niyang ibigay sa akin. May dala akong swimsuit dahil ang

