TRIGGER WARNING “Is this some kind of joke?” Kwinelyuhan ni Silas ang doktor na nagbalita sa kanya ng pagkamatay ni Hyacinth. Magkahalong galit at lungkot ang nararamdaman nito. “Don’t f**k with me! Alam kong buhay pa si Hyacinth! How can you say she’s dead?!” Pinipigilan ng mga pinsan niyang lalaki si Silas at pinipilit na ilayo sa doktor ngunit nang makita nila ang dahan-dahang pagtulo ng luha ni Silas ay para bang nawalan din sila ng lakas na hilahin ito papalayo. Pain. That’s the only emotion that they can feel right now for their cousin. Alam nila na nagagalit lamang ito dahil ayaw nitong tanggapin ang pagkawala ng minamahal. “She’s not dead. What the f**k are you saying?!” Dala nang panghihina ay napaupo sa sahig si Silas. Ganoon pa man ay hindi nito binibitawan ang doktor. “Si

