“Damn, I missed you! Kailan pa nga ba kita huling nakita?” Parang bang nag-isip pa siya. Natawa na lang naman ako sa kanya. “Sixth grade. Pagkatapos ng graduation ay umalis ka na papuntang Spain.” He snapped his fingers, na para bang natumbok ko ang gusto niyang sabihin. “Kailan ka pa nga pala nakauwi?” “Two weeks ago. Nagkasakit kasi si Dad kaya kinailangan kong umuwi. You know, kailangan ko nang i-manage iyong kompanya namin. I’m actually here to talk with our partnership with the Benavidez. Close friends kasi ang pamilya namin. Ikaw? Dito ka ba nagta-trabaho? What a small world!” masayang sabi niya. Tumango naman ako sa kanya. Nang mapansin ko na para bang papatayin kami ni Silas gamit ang madilim niyang paninitig ay hindi na ako nagdalawang isip pa na magpaalam. “Oh! Kailan ko na p

