NAPATINGIN ako sa mga bituin sa langit. Napabuntong-hininga ako at muling itinuon ang pansin sa aking mga libro sa harap bago ako tumayo at ibinaba na ang blinds. I am supposed to be doing my projects pero dinadala talaga ako sa pag-iisip tungkol kay Cade. Sa ilang beses kong pagmumuni-muni, I decided not to text him for this night. Nag-message naman siya kanina. Ang sabi niya, busy siya sa araw na ito dahil sa kabilang probinsya ang taping. Baka rin walang signal kaya baka hindi siya makakapag-text. "Anong plano mo ngayon? Magf-focus ka na lang diyan sa workshop workshop mo?" tanong ni Aubrey habang tinatahak namin ang daan papuntang room. "Nami-miss ko na si Cade..." nakangusong saad ko. Namamanghang tumingin si Aubrey sa akin. Pumalakpak pa siya. "Grabe. In love na in love ka?"

