CHAPTER 34 Special someone Is he being serious? Hanggang sa pag-uwi ko sa condo, laman si Law ng aking isipan. I could not understand myself no matter how many times I recalled our so-called closure. Dapat ay mainis ako dahil paladesisyon na naman si Law pero ewan ko sa sarili ko kung bakit may kaunting saya ako sa dibdib. His words were vague yet I could not help but assume and hope. “Why are you smiling, Eve?! Idiot! You should be terrified!” puna ko sa sarili nang makita ko ang itsura ko sa salamin na nangingiti. Sa huli, sinumsob ko na lang tuloy ang mukha ko sa isang unan at mahigpit na niyakap ito. Then I screamed. Hell. I’m going crazy! Ang nasa isip ko kasi, sa oras na bigyan ko si Law ng closure, tuluyan na niya talagang puputulin ang anumang mayroon sa aming dalawa

