CHAPTER 3
Unpredictable
Hindi pa man ako nakababawi sa pagkawindang sa pagkakakilanlan ng lalaking pumasok sa silid kung nasaan ako, nagdire-diretso na ang aroganteng lalaki tungo sa bakanteng kama ng guest room.
There, he panted and laid on his back wearily. Animo’y pagod na pagod siya sa mga humahabol sa kanya.
Just… what the hell is going on?! Is this real? Or just an effect of tequila in my system?
Napakusot ako ng mga mata ko para gisingin ang sarili sa kung ano mang epekto sa akin ng nainom ko. Medyo umiikot na rin kasi ang mundo ko. Kaso nang hindi pa rin maglaho ang lalaki sa paningin ko, roon ko nakumpirmang totoo ang mga nangyayari.
Another bang on the door. Mukhang hindi makapasok ang mga kumakatok dahil ng aini-lock kami nitong aroganteng lalaki rito sa loob.
“Did you just lock us in?!” I asked, raising my voice.
Sa kabila ng pagkataranta ko, ganoon naman ang ikinakalma ng lalaki.
“Yeah. Ain’t it obvious?” aniya lang gamit ang walang pakialam na boses.
Marami pa ulit kumatok sa pinto ng silid kung nasaan kami. Napalingon tuloy ako roon at napakunot ang noo.
Bakit nga ba siya hinahabol? Did he do something bad? Am I in danger now that I am alone with him?
“Law! Just one night! Please!” dinig kong makaawa ng isang babae sa labas.
Huh?!
Nasundan pa iyon ng pagmamakaawa ng iba-ibang babae.
Is that the reason why they’re chasing this guy? They want to be with him in one night? Hell no. What’s happening in this world? Kung umakto ang mga babae sa labas, akala mo naman, ginto ang ari ng lalaking ‘to. Sa ginagawa nila, mas lalo lang lalaki ang ulo nito e. Mas lalong magfe-feeling guwapo.
I darted my glaring eyes on the guy laying on the bed. Nakatitig na ito sa akin at pinanonood akong gumawa ng konklusyon sa mga tanong ko kanina.
“Don’t mind them,” he said.
Imbes na kumalma dahil sa payo niya, mas lalo kong gustong sumigaw.
“Don’t mind them?! You know what? I was enjoying my solitude here then you came and locked yourself with me. Now, your fans are shouting your name and ruining my quiet night.” I gritted my teeth. “Can you please go out?”
Sinubukan iwasang magtunog matabopre nang pakiusapan siyang umalis na ng silid kung nasaan ako kahit ang totoo, gusto ko na siyang ipagtabuyan palabas.
Because of what I said, the guy finally stood. His feet touching the floor, legs widely parted, elbows resting on his thighs while his veiny hands clasped together. Another thing. He started to stare at me intensely.
For some reason, his charisma struck me. Medyo guwapo nga siya. Medyo lang. Kahit na alam kong hindi niya naman mababasa ang nasa isip ko, ayaw ko pa ring purihin siya nang todo. Hindi niya deserve dahil sa pagiging arogante niya.
“Right. You’re emoting,” he concluded because of what I’ve said. “Emo phase, huh?”
Tumango-tango pa ang lalaki, animo’y sinasabing normal iyon at huwag kong ikahiya.
Akala niya ba, hindi ko alam ang ginagawa niya?
“Emo phase your face! You’re changing the topic!” I accused him. Lumapit na nga ako sa kanya para patayuin siya’t tuluyang ipagtabuyan. “Get out.”
“Woah. Woah. Chill, madame.” He raised his hand in surrender. “I’ll let you have your emo moments just let me rest here. Deal?”
Nag-thumbs up pa ang lalaki, talagang kinukumbinsi akong makipagkasundo na sa kanya.
I examined him for a little longer.
He has this iconic scar on his eyebrow. It still looks fresh. Para bang noong mga nakaraang buwan niya lang ito nakuha. That scar shaped like a majestic lightning bolt.
Marami na akong nakitang ganoong kilay pero ang sa kanya, natural. He looked young with his clean face, not having any stubble or beard. Mukhang alaga siya sap ag-she-shave.
Also, he seemed telling the truth when he said he is tired. It was evident with his damp undercut hair and bullets of sweats on his neck. Posible rin namang dahil lang iyon sa ulan sa labas pero mas mukhang akmang dahil iyon sa pagod. Nang pagtuunan ko kasi ng tingin ang damit niya…
His polo shirt was also damped with sweat. Humapit tuloy ang manggas noon sa matikas niyang mga braso. But when my eyes wandered down his pants, I noticed that his zipper was open.
Hmm. Mukhang hindi lang dahil sa pagtakbo kaya siya pawisan ngayon.
Given the shouts of the girls outside, this guy seemed popular with them. Paniguradong kakagawa lang nito ng milagro sa isang babae.
Tumikhim ang lalaki. Iyon ang naging dahilan kaya napabalik ang tingin ko sa kanyang mukha. Roon ko nakitang may nakakalokong ngisi na palang nakapinta sa kanyang labi.
Screw it, Eve! He caught you checking him out! Stupid!
“Don’t tell me you want one as well?” tanong niya dahil na napansin niyang pagtitig ko lalong-lalo na sa kanyang jeans.
“Huh?!” My cheeks immediately flushed because of embarrassment.
Oh hell no!
“Asa ka!” Sa taranta ko, napaatras ako at napatagalog.
Why so stupid, Eve?!
Malamig ngayong gabi dahil sa ulan pero grabe na lang ang pag-init ng pisngi ko. Dahil iyon sa kahihiyan.
Buti na lang din at mabilis nawala ang atensyon ng lalaki sa hinala niya kanina. Instead, he focused on what I just muttered.
“Oh. So, you’re a Filipino too?” he assumed.
Too?
Napakurap ako nang ilang sandali bago may napagtanto.
“Filipino ka rin?” tanong ko pabalik.
“Yup,” prenteng sagot naman ng lalaki.
Woah. What a great coincidence.
Hindi naman kasi halata sa lalaking ‘to na Pilipino pala siya. He looks so foreign, given his features and the unique color of his eyes. Another thing. He acts so foreign! Last time I check, hindi naman kasing landi niya ang mga Pilipinong lalaki sa Pilipinas. He’s on a different level!
“Ano? Gusto mo ba?” Pagbabalik niya sa kaninang hinala.
The way he asked that question was stupid and shameful. Nataranta na naman tuloy ako.
“Ano ba’ng pinagsasasabi mo?! Umalis ka na nga lang dito!”
Sa taranta ko at pagkahiya, dumampot na lang ako ng kung ano at inihagis sa direksyon niya. Ang lalaki, natawa pa talaga.
Imbes na matamaan siya ng ibinato kong unan, kaagad niya iyong nasalo. Kaya naman nagbato pa ako ng ibang gamit. But he has such a fast reflex. Nasasalo niya lang talaga ang ibinabato ko.
“Why are you staring then?” He was chuckling while I was annoyed.
“Because you’re obviously just finished making out with someone outside! Bukas pa ang zipper mo!” mabilis na dipensa ko. Para akong nag-rap sa bilis ng eksplanasyon ko.
“Good observation,” he complimented me. Kumindat pa nga siya. Naalala ko tuloy ‘yong pagkindat niya rin sa akin kaninang umaga sa arena.
Huh? Proud pa siya?
I bared my teeth while looking at him with disgust in my eyes.
Sinasayang ko lang ang oras ko sa lalaking ‘to.
“Ewan ko sa ‘yo.” Umatras na lang ako.
Para akong napagod agad sa paghagis sa kanya ng mga gamit.
Bumalik na lang ako sa puwesto ko kanina. I sat on the corner of the guest room’s window. There, I observed the night sky.
Medyo may hamog sa bintana dahil sa ulan sa labas. Kahit ganoon, hindi ako nahirapang mamataan ang kidlat sa langit. Nagliliwanag kasi iyon at gumagawa ng nakatatakot na tunog.
One of the fiercest and sporadically occurring weather phenomena in nature is lightning. Nobody is able to precisely foretell when or where it will strike. It's unpredictable. Like life.
Kahit gaano mo katagal pagtuunan ng pansin ang langit, hindi mo malalaman kung saan lalabas at tatama ang kidlat. You can’t just order it to strike here or there. It’s like a beautiful beast: untamable and could lash you out without mercy, no matter if it looks so fascinating.
Kinuha ko sa bulsa ko ang aking cellphone at naisipang magtipa ng mensahe para kay Theo.
I wanted to ask him to accompany me for tonight but I was only able to type “Theo”. To my surprise, I instantly received a reply from him. Dali-dali ko ‘yong tiningnan.
Theo:
Don’t message him anymore. He’s mine already.
Iyon ang reply niya sa akin na hula’y ko’y bago niyang babae ang nagtipa. May naka-attach din doong picture ni Theo na natutulog sa dibdib ng isang babae.
Stupid, Eve. You two are on a break right now. Of course, he’s with another woman. Like he always is.
Napabuntonghininga na lang ako. Tinungga ko na lang ulit ang dinala kong alak dito. Napapikit ako nang mariin nang gumuhit ang pait at init sa lalamunan ko.
I wondered when I did become a fool for Doroteo.
It happened years ago when I was sent here in California to study after my mom committed suicide. I was a complete wreck that time. Bata palang, parang gusto ko na agad sumunod sa mga magulang ko.
I was very dependent on them. And when they were gone, it felt like I was left alone in an unending darkness. Lalo pa’t naiwan si Kuya Drake sa Pilipinas para isalba ang kompanya ni Dad. Tuluyan namang lumubog ang luxury fashion house ni Mom.
In my first months living here, Theo was the first guy who approached me. Hindi naman siya ganito dati. Noon, hindi niya talaga ako iniwang mag-isa. He was always by my side. Nevertheless, he was also persistent in getting something from me. He wanted me on his bed.
Minsan ko nang naisip kong dinikitan niya lang ako noon dahil sa ganoong rason. He courted me for weeks. Those weeks felt like I was the main character in a teen fiction novel. But when he finally got what he wanted, that was when we became on and off.
Ang dali-dali na sa kanyang iwan ako at balikan lang kapag sawa na siya sa kahahanap ng bago. I knew it was a fool of me to still accept him every time he comes back but I couldn’t help it especially when I started to have attachment issues.
Madalas akong balikan ni Theo sa tuwing kumikidlat. Alam niya kasing sa ganoong panahon, takot akong mapag-isa. Palagi ko siyang mine-message para samahan ako. Palagi rin naman siyang dumarating basta’t sa isang kondisyon: kailangan ko siyang samahan sa kama.
Now, he didn’t come maybe because he’s currently bedding another woman.
If only my dad were still alive… I wouldn’t have to be like this.
Sa hindi mabilang na pagkakataon, napabuntonghininga ulit ako.
Something dripped on my hand. Doon ko napagtantong lumuluha na pala ako.
Screw it! I’m being emotional again! Why do I have to be this weak every time?!
Kaagad ko na lang pinalis ang mga luha ko at itinuon sa ibang bagay ang aking atensyon. Nanag napansin kong natahimik ang kasama ko, lumingon ako sa direksyon ng lalaki.
There, I saw him watching me intently.
Nakahiga na siya sa kama at wala nang pantaas, maaaring hinubad niya dahil basa ng pawis. Now, I could clearly see his abs. Nakaharap ba naman kasi siya sa direksyon ko, ang ulo niya’y nakadantay sa kanyang braso.
Somehow, my heart pounded harshly.
“K-Kanina ka pa nakatitig?” kabado at nauutal na tanong ko.
Siya naman itong bumuntonghininga.
“How can I sleep peacefully if there’s a woman crying in the corner?” he uttered before he asked something I was not expecting from him. “Wanna talk?”